Chapter 11

89 6 0
                                    

Chapter 11

Bumungad sa harapan ni Mico si Chii. Duguan na ito at may napakaraming sugat. Humahangos ito at tila may tinatakasan na kung ano. Hanggang sa may lumapit dito na kakaibang anino. Nakakakilabot ang anyo nito. Pagapang na lumayo si Chii pero naabutan sya ng aninong ito. Hinawakan nito si Chii at iniangat. Dinukwang nito ang dibdib ni Chii at kinuha ang puso nya. Walang buhay na humandusay sya sa lupa.

Napuno ng nakakakilabot na hagikgik ang kagubatan mula sa anino na 'yon.

Nang tumama ang liwanag ng buwan sa anino na ito ay nakita na ni Mico ang kabuuang anyo ng nilalang na ito. Isang nakaka takot na itim na lalaki. May kulay dilaw itong mga mata na nanlilisik pa habang umiilaw sa dilim. Patuloy pa rin ito sa paghagikgik sa nakakakilabot nitong tawa habang itinataas nito ang puso ni Chii. Hindi maiwasang manghilakbot ni Mico.

Hanggang sa muling magbago ang kapaligiran nya. Nasa kagubatan pa rin sya pero ibang eksena na ang nakikita nya. Naroon sina Jade, Blue, Joysan at Ivy. Tumatakbo ang mga ito mula sa humahabol sa kanila. Ang itim na lalaki. Si Victor.

Bigla na lamang nadapa si Blue. Iyon na ang pagkakataon ni Victor na maabutan ito. Hinawakan nya ito sa leeg. Walang awa nyang pinapatay si Blue. Kitang-kita ni Mico kung paano ito brutal na pinatay. Humahangos naman ang ibang mga babae at tumakbo palayo. Nilusob pa sila ni Victor. Habol hininga silang lumayo at nagkubli. Narinig pa ni Mico ang sinasabi ng mga ito.

Jade: "Ayoko na!! Suko na ako! Di ko na kaya ang mga nangyayaring ito!"

Joysan: "Kailangan nating magpakatatag! Tayo na lamang ang natitirang buhay! Pinatay na silang lahat ni Victor!!"

Ivy: "Kasalanan ko ito eh! Kung di lang sana ako nagpadala sa emosyon, edi sana'y naikulong na si Victor! Di na sana umabot pa sa ganito ang lahat! Hindi na dapat pang namatay si Mico! Buhay pa dapat sya ngayon!!"

Nabigla naman si Mico sa narinig.

Mico: "Ano?? Paanong patay na ako? Naririto pa ako Ivy, Joysan, Jade! Buhay pa ako!!" aniya pero parang hindi sya naririnig ng mga ito. Nilapitan nya ang mga babae pero tumagos lamang sya. Ni hindi nya magawang hawakan ang mga ito.

Mico: "Anong nangyayari?!"

Muli silang nakarinig ng mga kaluskos. Lalo pang nagsumiksik ang mga babae sa pinagkukublihan na puno. Binabalot ng takot ang buo nilang katawan. Walang magawa si Mico upang tulungan sila. Ang kaya nya lang gawin ay ang manood! Di Nya matanggap ang mga nagaganap. Hanggang sa isang kamay ang lumabas mula sa punong pinagtataguan nila. Tumagos ang kamay nito sa katawan ni Jade. Nabigla sina Joysan at Ivy sa nangyari. Nanghilakbot sila kung paano lumabas si Victor sa butas na katawan ni Jade. Napatayo at napasigaw silang dalawa.

Hanggang sa ganap nang nakalabas si Victor sa katawan ni Jade. Napadausdos sila sa unti-unting paglapit ni Victor.

Victor: "Tapos na ang taguan! Hahaha! Ano na ang ipinagmamalaki nyo ngayon?!

WALA! Kamatayan ang inyong sinapit dahil sa ginawa nyong panghihimasok! Di sapat ang simpleng kamatayan lang! Nais ko na paulit-ulit nyong maranasan ang takot at sakit ng kamatayan mula sa mundo ko!! Hahaha!"

Mabilis itong lumapit sa dalawang babae. Humawak ito sa leeg nila. Gustong pigilan ni Mico ang mga nangyayari pero hindi nya magawa. Hindi nya kayang pigilan si Victor. Animo'y isang hangin lamang sya na hindi nakikita.

Kitang-kita nya ang paghihirap ng dalawa. hanggang sa lamunin ng kadiliman sina Ivy at Joysan. Unti-unti itong nawala sa kanyang harapan.

Victor: "Paulit-ulit kayong mamamatay sa mundo ng panaginip. Yan ang nararapat sa mga lapastangang katulad nyo. Iyan ang napapala ng mga taong kumakalaban sa mga DIABLO! HAHAHA!!"

Diablo 2 "Ang Anino ng Hinaharap" (Repost)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon