Chapter 3

94 5 0
                                    

Chapter 3

Nasa isang hindi maipaliwanag na lugar si Mico sa kanyang panaginip.

Sa nakikita nya ay mayroong nagaganap na pagdiriwang sa lugar na iyon.

Hanggang sa masulyapan nya ang isang kulay puting Van. Dumaan ito sa isang bahagi ng kagubatan at huminto sa tapat ng isang matandang puno. May mga armadong kalalakihan ang lumabas sa Van na iyon kasunod ng isang may edad na lalaki. Ang lalaking iyon ay si Don Ramon. May hawak itong isang itim na libro at tatlong brilyante na may magkakaibang kulay. Puti, itim at pula.

Si Mico naman ay walang ideya kung ano ang nagaganap sa panaginip nyang iyon.

Agad namang nagsalita si Don Ramon.

Don Ramon: "Sa wakas! Matapos ang matagal na paghihintay at paghahanap ay natagpuan ko na rin ang kulungan ng tatlong diablong ito! Napasa'akin na rin ang tatlong susing magpapalaya sa kanila. Susunod sila sa ipinag-uutos ko at mapapasakamay ko ang inaasam kong buhay na walang hanggan! Hahaha!" sininulan nyang ipalibot sa puno ang tatlong brilyante o susi na magpapalaya sa mga diablo na nakakulong sa punong iyon.

Nang matapos na nyang mailapag ang mga brilyante ay sinimulan na niyang buklatin ang itim na libro sinimulang ibulong ang orasyon na nakasulat dito.

Nasa kasagsagan na sya ng pagbabasa nang dumating si Tata Isko.

Tata Isko: "Teka?! Anong ginagawa nya dyan? Alam nyo bang mahigpit na ipinagbabawal ang paglapit sa punong yan?"

Humarap naman si Don Ramon kay Tata Isko.

Don Ramon: "Sagabal ka! Wala kang paki'alam kung lumapit man kami dito!"

tata Isko: "sandali lang? Anong klaseng libro ang hawak mo?"

Don Ramon: "Ito ba? Ito lang naman ang tutupad sa mga pangarap ko!"

Tata Isko: "Kung ganun ay ikaw ang nakahanap ng itim na libro na naglalaman ng impormasyon kung pa'no makakalaya ang mga diablo!"

Don Ramon: "hindi lang iyon, nahanap ko na rin ang mga susi na magpapalaya sa kanila! Wala nang makakapigil sa mga minimithi ko!"

Tata Isko: "Nasisiraan ka na! Alam mo bang malaking problema at kapahamakan ang idudulot kapag nakalaya sila? Maraming mamamatay kapag nangyari yun! Maraming nagbuwis na buhay bago sila naikulong ng mga ninuno ko," sabay hugot ng kanyang baril at itinutok sa kanila. "hindi ko hahayaang mangyari 'yon kaya ibaba mo ang librong yan at umalis kayo sa tabi ng puno!" banta nya.

Don Ramon: "Ako ba'ng tinatakot mo? Ano naman sa'kin kung may mamatay? Wala akong paki'alam kahit ganon ang mangyari!" at inutusan nya ang kanyang mga tauhan na barilin si tata Isko.

Duguan itong bumulagta sa lupa.

Itinuloy ni Dön Ramon ang naudlot na pagbigkas ng orasyon.

Biglang nagliwanag ang tatlong brilyante at pumalibot ang liwanag sa puno.

Sinubukan pa syang pigilan ni tata Isko kahit naghihingalo na sya. Dinampot nya ang kanyang baril at itinutok sa van na naglalaman ng mga bomba na balak sanang gamitin ni Don Ramon upang pasabugin ang buong bayan. Kahit nanlalabo ang paningin ay sinubukan parin nya itong asintahin sa tangke ng Van. Tinamaan nya ito. Ilang sandali lang ay nagliyab na ang sasakyan.

Don Ramon: "anong nangyayari?"

Tata Isko: "Kah. . . P-pipigilan ko kayo hanggang sa huli k-kong hininga!"

At tuluyang sumabog ang sasakyan kasama ang mga bombang naroon.

Don Ramon: "Hindi pwedeng mangyari ito! Abot kamay ko na ang tagumpay. . . ."

Nagkaroon ng malawakang pagsabog sa lugar na iyon pero sa hindi inaasahang pangyayari ay nakita ni Mico ang tila mga lagusan sa tabi ng puno na noon ay nasira na dahil sa pagsabog. Kitang-kita nya ang mga kakaibang nilalang na lumabas sa mga lagusang iyon. Lubhang nakakatakot ang mga ito lalo na ang isang itim at mala halimaw na lalaking may kulay dilaw na mga mata. nakakakilabot ang anyo nito.

Mas lalong nahintakutan si Mico nang tumingin ito sa mismong direksyon nya. Nakakasindak ang pagkakatitig nito sa kanya. Biglang nagdilim ang buong paligid pagkatapos ay ang biglaan nyang paggising mula sa malabangungot nyang panaginip.

humahangos at pawisang-pawisan syang napabangon sa higaan.

Mico: "Anong klaseng panaginip 'yon? Isa ba 'yong pangitain? Ang mga nilalang na yon, parte pa rin ba sila ng pangitain ko?"

Pilit nyang itinatak sa kanyang isipan na isa lang iyong masamang panaginip o isang bangungot. Pero habang naaalala nya ang masamang pagkakatitig ng kakaibang nilalang na iyon sa kanya ay hindi maiwasang tumayo ang mga balahibo nya lalo pa't parang totoo ang mga nangyaring iyon.

Bumangon na lamang sya sa kanyang higaan at nagpasyang maligo.Maaga pa lamang ay aalis na sya patungo sa lugar na pagkikitaan ng kanilang grupo para sa kanilang Demon Investigation.Nagpunta muna sya noon sa kanilang club. Doon nya hihintayin si Blue.Alam nyang matagal pa syang maghihintay dahil maaga pa lamang nang umalis sya.Subalit ilang sandali pa lamang ay naramdaman nyang hindi na sya nag-iisa.Hanggang sa maramdaman nya ang paghawak ng isang malamig na kamay sa kanyang balikat.

Diablo 2 "Ang Anino ng Hinaharap" (Repost)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon