Chapter 10

98 4 0
                                    

Chapter 10

Muling nagbalik ang diwa ni sa kanyang panaginip. Halos mapatindig sya sa takot nang maalala nya 'yon.

Napansin naman ng iba ang sugat nya sa braso.

One: "Anong nangyari sa braso mo, Jade?"

Zai: "I think, nasugatan sya kanina habang bunubuhat mo sya kanina, di mo lang napansin siguro."

Ngunit wala pa ring imik si Jade. Mas bumabalot pa rin sa buo nitong katawan ang labis na takot.

Chii: "Meron yatang first aid kit dyan sa may back seat. Pakiabot na lang, Blue."

Sinunod naman nito ang sinabi ni Chii. Kinuha ni Blue ang first aid kit sa likod ng kinauupuan nya.

Ivy: "Ako na hong bahalang gumamot sa sugat nya," prisinta nito.

Kinuha ni Ivy ang first aid kit kay Blue. Pinunasan nito ang ilang mga dugo sa braso ni Jade. Ginamot nya ang mga sugat nito at nilagyan ng benda. Ramdam ni Ivy ang panginginig ng buong kataw an ni Jade. Parang may kinatatakutan ito pero di nya malaman kung ano o saan ito natatakot?

Mayamaya ay nagsalita nasa Chii.

Chii: "Pupunta muna tayong lahat sa bahay ko. Dun na muna tayo. Pag-uusapan nating lahat ang mga nangyaring ito kasama na ang misteryosong pagkawala ni Mang Dante."

Bigla namang napatindig si Jade nang marinig nya ang pangalan ni Mang Dante. Naalala nya ang isang bahagi ng kanyang panaginip kung saan nakita nya ang pugot na ulo ni Mang Dante habang hawak ng isang nakakakilabot na nilalang. Hindi maiwasang pangilabutan ang buong katawan nya nang maalala nya 'yon.

Jade: "S-si mang Dante, n-nakita ko sya," nanginginig na sabi nya.

Ivy: "Ano? Saan mo sya nakita?"

Jade: "Nakita ko sya... Nakita ko sya... Hawak sya ng halimaw!! Nakita ko ang pugot na ulo nya!! Pinatay sya... Pinatay sya ng halimaw at ako naman ang isusunod nya!!" tila wala sa sariling sigaw nito at saka ito nag-hysterical.

Ivy: "Sandali lang, Jade! Huminahon ka," aniya pero panay pa rin ito sa pagwawala.

Sinubukan na rin syang pakalmahin ni One at ng iba pa pero nagpupumiglas ito.

Dahil sa nangyayari ay mabilis itong nasampal ni Ivy sa pisngi.

One: "IVY..."

Hinawakan ni Ivy sa magkabilang balikat si Jade at niyugyog.

Ivy: "Ano ba ang nangyayari sa'yo, Jade?! Pwede ka bang huminahon? Pa'no ka namin matutulungan sa kung anong pinagdadaanan mo kung hindi ka namin makausap ng matino?!"

Bahagya namang nahimasmasan si Jade. Natutop nito ang mukha at umiyak.

Jade: "Di ko alam kung ano nga ba ang nangyayari, pakiramdam ko ay may gustong pumatay sa akin! Di ko alam ang gagawin ko, natatakot ako!" hagulgol nito.

Niyakap naman ito ni Ivy upang pumanatag ang loob nito.

Ivy: "Wag kang mabahala, ayos na ang lahat. Walang masamang mangyayari kaya wag ka nang matakot pa." hinagod nito ang likod ni Jade upang ipadama dito na OK na ang lahat.

Marahan namang napanatag si Jade pero di pa rin naaalis ang takot na nadarama nito.

Makailang sandali pa ay huminto sila sa tapat ng isang condo unit. Bumaba silang lahat do'n. Binuhat ni Mico si Joysan at inalalayan naman nila Ivy si Jade.

Nagpunta sila sa isang unit doon. Kinuha ni Chii ang kanyang susi at binuksan ang pinto. Pumasok silang lahat sa loob. Sa may salas sila nagdaan. Inilapag nila si Joysan sa may sofa. Pinaupo na rin nila si Jade doon. Kumuha ng isang baso ng tubig si Chii at iniabot kay Jade upang mahimasmasan ito.

Diablo 2 "Ang Anino ng Hinaharap" (Repost)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon