Chapter 7

92 4 0
                                    

Chapter 7

Isang hindi maipaliwanag na pangitain ang nakita ni Joysan nang mahawakan nya ang kamay ni Mico. Waring isang nakaambang panganib ang susuungin ni Mico. Nakita nya ang mga taong namamatay subalit wala itong mga mukha. Nakita nyang may apat na taong tumatakbo, malabo ang kanyang imahe dito pero kitang kita nya na hinahabol ang mga ito ng isang nakakakilabot na nilalang.

Napansin naman ni Mico ang pamumutla nya.

Mico: "Ah, OK ka lang ba, Joysan?"

Joysan: "Ha? Ah, O-oo , ok lang ako."

Mico: "Bakit parang namumutla ka yata?"

Joysan: "Ha, S-siguro dahil sa init. Hindi kasi ako sanay sa init ng panahon." pagsisinungaling nya.

Ayaw nya munang ipaalam kay Mico ang mga nakita nya. Kailangan nya munang Alamin sa sarili nya kung ano ang ibig sabihin ng pangitain nyang iyon. Maaaring may ibig yong ipahiwatig para kay Mico.

Mico: "Ang mabuti pa siguro ay maupo ka muna?"

Joysan: "No! Hindi na, Ok na ako!"

Mico: "Sigurado ka ba?"

Joysan: "Yes!"

Si Zai naman ay sumabat na sa kanila.

Zai: "Sa tingin ko ay nakilanlan nyo na si Joysan at Ganun din sya sa inyo. Bueno, ipagpapatuloy ko na ang sasabihin namin."

Joysan: "Opo, ms. Zai, nakilala ko na po sila."

Zai: "O, sige, tungkol pa rin ito sa ghost hunting trip natin mamayang gabi. Sari-saring mga kwento na ng kababalaghan ang nangyayari at naitatala sa lugar na iyon. Anuman ang ating matuklasan ay hindi lang makakatulong sa atin kundi pati na rin sa mga espiritung naninirahan doon sa mansyon."

Chii: "Mamayang gabi ay dito rin tayo magtatagpong lahat. May sasakyan na susundo sa atin papunta do'n. One, ikaw ang nakatalaga sa mga gamit na dadalhin natin para sa mga evidences."

One: "Opo, ako na pong bahala, sir Chii."

Chii: "Magaling kung gano'n. Bueno, kung wala na kayong katanungan tungkol sa adventure natin mamaya, ay pwede na kaming magpaalam. Pag-usapan nyo na lang ang iba nyo pang mga gagawin."

Matapos no'n ay sabay nang nagpaalam sina Chii at Zai.

Pinag-usapan naman ng iba ang mga gagawin nila.

One: "Siguradong masaya nanaman ito!"

Blue: "Sinabi mo pa lalo na't kasama pa natin ang pinakamaganda nating bagong miyembro." sabay kindat kay Joysan pero inirapan lamang sya nito.

Mico: "Pagpasensyahan mo na sana itong si Blue, ganyan lang talaga yan."

Blue: "Dude naman,"

Joysan: "Never mind. Kailangan kitang makausap Mico. This is important. May kailangan akong sabihin sa iyo!"

Mico: "Ako? Tungkol saan?"

Hindi na nagsalita pa si Joysan, bagkus ay hinila nito si Mico palayo sa mga kasama. Nagtataka man ay sumunod na lamang si Mico dito.

One: "Aba, akalain mo nga naman, mukhang type sya ni Joysan."

Mico: "Wow, ang swerte naman ng kaibigan ko."

One: "Ikaw naman kasi, e! bolero ka masyado, tignan mo ang nangyari, di ka pa nga nakakaporma ay basted ka na agad kay Joysan. Eh di nahanap mong katapat mo! Tignan mo ako, stick to one lang kung magmahal, di ba, Babe?"

Diablo 2 "Ang Anino ng Hinaharap" (Repost)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon