Chapter 4

105 6 0
                                    

Chapter 4

Nabigla si Mico nang maramdaman ang paghawak ng isang kamay sa kanyang balikat.

Mico: "Ivy?"

Ivy: "Sorry, nagulat ba kita?"

Mico: "Nabigla lang ako. Pero teka, bakit ang aga mo yata dito?"

Ivy: "Wala naman kasi akong magawa sa bahay kaya nagpunta na ako dito. E ikaw, bakit ang aga mo din dito?"

Tumango muna si Mico bago nagsalita.

Mico: "Actually, maaga talaga akong nagising. binangungot ako kagabi. Para ngang makatotohanan ang panaginip ko na 'yon tulad ng mga naging pangitain ko noon. pero iba itong nangyari sa 'kin kagabi lang. Di ko alam kung pangitain nanaman yun. kung mangyayari man 'yon o hindi ay di ko alam."

Ivy: "Sandali? Nagkaroon ka nanaman ng pangitain?"

Mico: "As I said, di ko din alam."

Ivy: "Bakit??"

Mico: "Ang panaginip ko na 'yon ay katulad din ng mga unang panaginip ko noong mga nakaraang araw. Di nga lang malinaw ang mga nauna. Pero kagabi ay maayos na ang panaginip ko. Nakita ko ang mga nangyari. Nagkaroon ng patayan at kasunod ay ang malakas na pagsabog. Iniisip ko na isa nanaman iyong pangitain pero may isang bahagi ng panaginip ko ang nagpabago sa hinala ko. pagkatapos ng pagsabog ay may nakita akong mga kakaibang nilalang. Pinaka nakakatakot sa kanila ay ang lalaking itim. Animo'y tingin pa lang nito ay mamamatay ka na! Isa ang mga 'yon sa 'di ko pinaniniwalaan kaya nahahati sa dalawa ang isipan ko. kung paniniwalaan ko ba 'yon o hindi?"

Ivy: "Mico, sa tingin mo ba sa mga nangyayari ngayon ay mayroon ka pang hindi dapat paniwalaan? Mga psychic tayo! Iba tayo sa mga nakararami. Kung ano man ang nakita mo ay siguradong may ibig 'yong ipahiwatig. Paniwalaan mo lamang ang sarili mong kakayahan at alam kong malalaman mo ang kasagutan. Kaya nga GIFTED ang tawag sa mga katulad natin, di ba? Biniyayaan tayo ng diyos ng ganitong

gift."

Mico: "Maaaring tama ka nga pero may ilang bagay din na hindi ako sang-ayon sa'yo. Kahit kailan ay hindi ko itinuring na biyaya o gift ang kakayahan ko na ito. Isa itong sumpa!!! Hindi ko kailan man matatawag na biyaya ang makakita ng mga mamamatay na tao at ang mangyayari sa hinaharap! Alam mo ba ang pakiramdam ng makita mong mamatay ang isang mahal mo sa buhay? Biyaya bang maituturing 'yon? Simula pagkabata ay hindi na ako pinapatahimik ng kakayahan ko na

'to! Sumpa ito sa buhay ko!"

Napabuntong hininga si Ivy at saka sya tumingin sa malayo.

Ivy: "Alam mo Mico, nauunawaan kita. Tulad mo, akala ko rin ay sumpa ang kakayahan ko noon. Bata pa lamang ako, marami na akong naririnig na mga kakaibang bagay, mga kakaibang ingay. Minsan kapag natutulog ako ay bigla na lamang akong magigising dahil sa mga boses na naririnig ko. Mayroong umiiyak, nagmamakaawa at humihingi ng tulong. Tinig ng mga espiritung naliligaw ng landas at di matahimik. Takpan ko man ang mga tenga ko ay naririnig ko pa rin sila. Wala akong magawa noon kundi ang umiyak dahil sa takot. Gusto kong tantanan na nila ako. Mapa-araw man o gabi ay lagi akong takot sa kung ano man ang marinig ko. Gusto ko sanang sisihin ang diyos kung bakit nya ako binigyan ng ganitong kakayahan. bakit ako pa? Pero nagbago ang pananaw ko nang makilala ko sina Sir Chii at Ms. Zai. Simula nang sumali ako sa SOUL Club marami akong natutunan tungkol sa kakayahan ko. Natutunan ko itong tanggapin. Naunawaan ko na ang mga espiritu kung bakit sila lumalapit saakin. kailangan nila ng tulong. Natuwa ako noon nang matulungan ko sila at ang naiwan nilang mahal sa buhay. Nabigyan ng hustisya ang kamatayan nila. Alam mo Mico, sa tingin ko, ang pagiging sumpa o biyaya ng isang bagay ay nasa tao lamang. Magiging sumpa ito kung sa tingin mo'y ito'y sumpa at magiging biyaya ito kung sa palagay mo'y biyaya nga ito. You always look at the bad side of your ability but never at the good side of it. Hindi ka bibigyan ng diyos ng ganyang kakayahan kung hindi mo ito magagamit sa mabuti. Ang kailangan mo lang ay hanapin ang kabutihang dulot nito."

Diablo 2 "Ang Anino ng Hinaharap" (Repost)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon