Chapter 5

81 6 0
                                    

Chapter 5

Pamilyar ang kulay puting van na nakita ni Mico. Iyon ang van na nakita nya sa kanyang panaginip.

Mico: "Hindi maaari ito! Kung gano'n ay totoo nga!!"

Ivy: "Ano? Kanina ko pa napapansin ang mga kinikilos mo. Ano bang nangyayari, Mico?"

Blue: "Nakakapanibago ka na dude. Nagkakaganyan ka lang naman sa tuwing... Teka, wag mong sabihing?"

Mico: "Oo, angpanaginip ko!! Mangyayari 'yon dito! Magkakaroon ng malawakang pagsabog sa lugar na ito at ang van na 'yon ang magiging dahilan ng trahedya!! (sabay turo sa van na 'yon) Kailangan ka iyong mapigilan!!"

Blue: "Sandali lang dude, baka mapahamak ka?"

Ivy: "Sang-ayon ako kay Blue, delikado ang gagawin mo, Mico. Ipagbigay alam na lang natin ito sa mga pulis."

Mico: "At ano naman ang sasabihin natin? Na nahulaan ko ang magaganap dahil sa panaginip ko? Sa tingin mo ay maniniwala sila?"

Ivy: "Pero mapanganib ang gagawin mo!"

Mico: "Gusto kong maniwala sa sinabi mo sa'kin Ivy. Gusto

March 9 at 6:17pm · LikeUnlike

JL Dark kong paniwalain ang aking sarili na may mabuting maidudulot ang kakayahan ko kaya gagawin ko ito!"

Ivy: "Kailimutan mo muna yung mga sinabi ko sa'yo kanina. Hindi sa lahat ng oras ay magagawa mong mabago ang pangitain mo lalo na't buhay ang nakasalalay!!"

Mico: "Kaya nga susubukan ko!" pagkatapos ay hinabol na nito ang van.

Ivy: "Mico..."

Blue: "Ako nang bahala, Ivy! Susundan ko sya. Hanapin mo na lang ang iba nating mga kasama at sabihin sa kanila ang lahat."

Ivy: "Sige pero mag-iingat kayo,"

Blue: "OO!"

Mabilis na sinundan ni Blue si Mico samantalang si Ivy naman ay hinanap ang iba nilang mga kasama upang balaan.

Patuloy naman na hinabol ni Mico ang van pero kaagad rin itong nawala sa kanyang paningin dahil sa kumpulan ng mga taong nagsasayahan sa kanyang harapan.

Sinubukan nyang makisiksik sa mga tao pero nang mahawi na nya ang mga ito ay hindi na nya makita pa kung nasaan na ang van.

Bigla namang may humila sa kanya.

Blue: "Dude, ano ba? Hindi mo basta pwedeng gawin ang gusto mo?"

Mico: "Blue, umalis na tayo dito! Hindi ko na makita ang van! Hindi ko na 'yon mapipigilan pa! Anumang oras ay magkakaroon na ng pagsabog dito!!

Blue: "Ano?!"

Mico: "TARA NA! Delikado na dito! Teka, nasaan si Ivy?!"

Blue: "Hinanap nya ang iba upang sabihan tungkol sa mga magyayari."

Mico: "Kailangan na natin silang makita at makalayo na sa lugar na ito!"

Mabilis silang umalis sa kinatatayuan at lumayo.

Ilang sandali lamang ay nakita na rin nila ang ibang mga kasama. Lalapitan na sana nila ito subalit isang nakakatulig na ingay ang narinig nila kasabay ng pagtakbuhan ng mga tao sa paligid.

Nangyari na ang pinangangambahan nila.

Nangyari na ang malawakang pagsabog sa bayan ng San Nicholas.

Mabilis na nawala sa kanyang paningin ang mga kasama.

Maging si Blue ay napahiwalay na rin sa kanya dahil sa mga taong nagkakagulo sa paligid.

Mico: "BLUE..." pagtawag nya.

Susubukan na rin sana nyang umalis subalit mula sa kung saan ay may bigla na lamang bumagsak na isang bagay sa kanyang harapan. Isang itim na brilyante. Hindi nya malaman kung ano ang pumasok sa kanyang isipan at pinulot nya ito. Matapos nun ay umalis na sya upang hanapin ang mga kasama.

Diablo 2 "Ang Anino ng Hinaharap" (Repost)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon