Prologue

137 3 0
                                    

Prologue

Audie's POV

Sinikop ko ang buhok ko nang tumama sa akin ang malakas na hangin. Bahagyang umangat ang puting dress na suot ko. Umirap ako nang makita ko ang iilang mata ng lalaki na nakatitig sa mahaba kong hita. Inayos ko ito bago ako sumakay sa kotse na magdadala sa akin patungo sa isang beach resort sa Batangas.

Pupunta ako sa debut ng aking pinsan ngayon. Gaganapin ito sa isang private resort. Tatlong araw akong mags stay doon. Lahat ng guests ay maaaring sumubok ng iba't ibang water activities doon. Natuwa rin ako na sa isang beach gaganapin ang kaniyang kaarawan. Nagbabalak kasi akong mag relax muna dahil sa dami ng bagay na iniisip ko ngayon.

"Audie! Saan ka na?" Dinig ko ang taranta sa boses ng aking kaibigan.

Tumawa ako. "I'm on my way, Jeff."

"Bilisan mo at malapit na magsimula ang program." Iritado niyang sambit sa kabilang linya.

"Huwag kang mag madali. Baka pagdating ko riyan, matagal pa bago magsimula?" Sumulyap ako sa oras na nakalagay sa aking cellphone. "2:35 pa lang, Jeff. 4:00 pa ang simula. Masyado kang atat."

"Mabagal ka kasing kumilos. Kasama mo ba si Shaniah?"

"She's with papa. Hindi siya sinama ni mama dahil paniguradong mangungulit lang iyon. Ayaw ni mama na masanay siyang nakadikit lagi sa akin."

Ipinikit ko muna ang mata ko habang ako'y nasa byahe. Huminga ako ng malalim at unti-unti na akong dinalaw ng antok. Nagising na lamang ako nang maramdaman ko na umaalog ang aking sinasakyan. Minulat ko ang mga mata ko. Huminto ang kotse at lumabas ang driver mula rito para tignan kung ano ang nangyari.

Mariin akong napapikit. Tinignan ko ang paligid at nakita kong malayo pa kami sa pupuntahan. Lumabas ako para tanungin ang driver namin.

"Ano pong nangyari?"

"Nasiraan po tayo, ma'am." Sagot nito sa akin.

Bumuga ako ng hangin. Inikot ko ang paligid at nakitang wala pang dumadaan na ibang sasakyan para makahingi kami ng tulong.

"Paano na po iyan? Wala po ba tayong nadaanan na pwede nating mahingian ng tulong?"

Umiling siya sa akin at bumaling muli sa sasakyan na ayaw mag start. Napakamot ako sa aking batok. Lumiwanag ang mukha ko nang may makita akong paparating na sasakyan. Inangat ko ang kamay ko at kinawayan ito.

Unti-unti itong huminto. Hindi ko makita ang nasa loob dahil tinted ang sasakyan. Lumapit ako rito. Kagat ko ang labi ko at nagdadalawang isip pa ako kung kakatukin ko ito.

Bago ko pa maangat ang kamay ko para katukin ito bumaba na ang salamin at bumungad sa akin ang taong ayaw ko ng makita. Umawang ang labi ko. Natigilan ako at hindi makapagsalita lalo na nang umangat ang gilid ng labi niya para ngitian ako.

"Ate Audie!"

Lumipat ang tingin ko sa batang nasa tabi niya. Malaki ang ngiti nito sa akin. Nilingon siya ng kanyang Kuya nang lumabas siya sa sasakyan at tumakbo patungo sa akin.

Niyakap ni Norman ang aking baywang.

"Norman, bumalik ka rito..."

Kumalabog ang puso ko sa malalim niyang boses. Damn it. Boses niya pa lang natutunaw na ako!

Narinig ko ang pagkalabog ng pintuan ng kotse nang lumabas siya mula rito. Naramdaman ko ang kanyang paglapit ngunit mas inabala ko ang aking sarili sa pagkausap sa bata na nakayakap sa akin.

"I miss you, Ate."

Ngumiti ako. "I missed you too. Kumusta ka naman?"

Inangat ni Norman ang ulo niya para makita ako. Tinignan niya ang lalaking nasa tabi ko at saka siya ngumuso.

"I'm not okay, Ate Audie. Hindi ka na nagpupunta sa bahay. Kuya, next time dalhin mo si Ate sa bahay. Please?"

Namilog ang mata ko sa sinabi ni Norman. Ako lang ata ang naapektuhan sa sinabi nito pero hindi ko ito pinahalata. Tumikhim ang katabi ko at pinapasok na ang bata. Hindi na naman siya nahirapan dito.

"Uhm..."

"Nasiraan kayo?" Tanong niya, tinitignan ang sasakyan namin.

Dahan-dahan akong tumango. Naamoy ko agad ang pabango niya nang humakbang siya ng isang beses palapit sa akin. Pinanatili ko ang kalmado kong mukha pero sa loob loob ko ay halos magwala na ako dahil sa lapit niya sa akin.

Pinasadahan niya ng tingin ang aking suot. Kumunot ang noo niya at nag iwas ng tingin.

"Mukhang may lakad ka. Saan ba ang tungo mo?" Mariin ang pagkakatanong ni Jaxztin sa akin nito.

"Papunta kasi ako sa Batangas. Birthday ng pinsan ko. Nasiraan kami ng kotse kaya heto..."

"Birthday?"

Tumango ako. "Yup. Debut ng pinsan ko."

"Jennifer's debut?"

Tumango muli ako.

"Inimbitahan din ako ni Jennifer. Tutal parehas lang naman ang tungo natin at mukhang matatagalan-"

Mabilis akong umiling. Alam ko kung saan tutungo ito. "No, thanks! Maghihintay na lang ako ng dadaan na taxi or-"

"Audie." Nakitaan ko ng iritasyon ang kanyang mata.

Oh great! Just great!

Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod. Kung tatanggi pa ako ay baka abutin pa kami rito ng ilang oras. Dapat pala ay tinawagan ko na lang si Jeffrey.

Habang ako'y nasa loob ng sasakyan ay hindi ako makahinga. Maliit ang sasakyan para sa aming dalawa. Ako ang pinaupo niya sa harapan at pinalipat niya ang bata sa likuran. Kung hindi lang madaldal si Norman ay paniguradong mamamatay kaming dalawa sa katahimikan.

"Kailan ka bibisita sa bahay, Ate?" Malambing na tanong ni Norman.

Kumislap ang mga mata niya habang nagtatanong sa akin. Pinagmasdan ko mabuti ang guwapong mukha ng bata.

"Si Ate Yumi na lang ang nakikita ko roon sa bahay. Kuya told me that Ate Yumi is her new girlfriend. Is it true?"

Dire-diretso ang pagsasalita ng bata. Naestatwa ako sa kinauupuan ko. Naramdaman ko ang pangingirot ng aking puso. Mula sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang paghigpit ng hawak ni Jaxztin sa manibela.

"Norman..." puno ng pagbabanta ang boses ni Jaxztin.

"What? I'm just asking!" Angil ng bata.

Hinawakan ko ang maliit na kamay ni Norman na nakapatong sa aking balikat. Napatingin ang bata sa akin. Tipid akong ngumiti kahit na nararamdaman ko ang panggigilid ng aking luha. Pinigilan ko iyon.

"Is it true, Ate? Did you two fight? That's why you two broke up?"

Tumikhim ako at naramdaman ko na ang hindi pagiging komportable. I want Norman to shut his mouth. Ayokong marinig pa ang sasabihin ng bata.

Dahan-dahan humina ang pagpapatakbo niya sa sasakyan. Nilingon ako ni Jaxztin bago tumingin muli sa bata na ngayon ay naka nguso na. Bumalik ang tingin sa akin ni Jaxztin nang magsalita ako.

"Wala na kami... Ng kuya mo, Norman. And I don't know if your Kuya has a new girlfriend but I think, you're right. Sinabi na rin naman ng kuya mo." Nagpasalamat ako dahil hindi nanginig ang boses ko.

"Why?"

"Norman, can you please stop asking stupid questions?"

Iritado si Jaxztin nang suwayin niya ang bata. Umupo ng maayos ang bata at hindi na muli pa nagtanong. Bumalik sa dating bilis ang pagpapatakbo ni Jaxztin sa sasakyan. Now, this is awkward. Hindi na ako komportable kanina mas lalo pa ngayon dahil sa sagutan naming tatlo.

Tumingin na lamang ako sa mga nadadaanan namin ngunit hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang katotohanang may iba na si Jaxztine. Pilit kong inalis sa isip ko ito at mapait na ngumiti sa aking sarili.

Take Her To The Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon