Chapter 16 - Treasure
Audie's POV
Mabibigat ang hininga ko habang tinititigan ang isang singsing na inilabas niya galing sa kahon na inilalahad niya sa akin kanina. Tumulo ang luha ko sa pisngi ko. Hindi ko magawang punasan iyon dahil gulat pa ako sa nangyayari ngayon.
Hinawakan niya ang pisngi ko at tinalunton ng kanyang daliri ang aking baba. Inangat niya ito para magkasalubong ang mata naming dalawa. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanyang mata pero nang magtagumpay siya ay nakita kong namumula ang mga mata niya.
Kinagat ko ang labi ko. Umawang ang bibig ko para magsalita pero walang lumalabas galing dito.
Inangat niya ang kamay ko. Marahan niyang hinaplos ang likod ng palad ko at pinapanood ko lang siyang gawin 'yun. Dinala niya ang kamay ko sa kanyang mukha at hinalikan niya ang likod ng palad ko. Napapikit ako nang maramdaman ang malambot niyang labi doon, para bang sinasamba ako.
"I want you to be my wife, Audie." Sinuot niya ang singsing sa aking daliri.
Hindi ako nagsalita. Tumulo lamang ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang simple ngunit eleganteng singsing na sinuot niya sa akin. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang paghikbi. Gulat pa rin akong nakatitig dahil sa ginawa niya. Hindi ko 'to inasahan.
"Please, Audie. Huwag ka ng aalis... it hurts seeing you walk away from me. I want you beside me for the rest of my life. I'll take care of you and our child. I'll be a good husband, sweetheart... I promise."
Tumitig lang ako sa mapupungay niyang mata. Oo, Jaz. Papayag ako. Bibigyan kita ng chance na ipakita ang pagiging asawa mo sa akin... kapag kinasal na tayo pero hindi ko maipapangakong hindi kita iiwan, na hindi ako aalis sa tabi mo. Kasi, alam ko, konting oras na lang... maaaring hindi na ako humihinga.
Sinapo niya ang kaliwang pisngi ko. "Hey... please say something."
Nag iwas ako ng tingin at bahagyang nakaramdam ng lamig.
"Why are you crying? A-Ayaw mo ba?" Nanginig ang boses niya.
Mabilis akong umiling. Natigil ako sa paghikbi. Nakitaan ko ng sakit ang kanyang mata. Of course not! Gusto ko 'to! Gusto kong matali sa kanya.
"Masaya lang ako, Jaz." Ngumiti ako sa gitna ng pag-iyak ko.
Napalitan ng saya ang kanyang mukha. Ilang beses niya akong pinatakan ng halik sa labi bago niya ako halikan sa noo. Umalis siya sa ibabaw ko. Ngayon, ramdam ko na ang lamig. Binalik niya sa dating ayos ang roba ko at tinali iyon. Nakangisi pa siya habang ginagawa 'yun. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pag-ngiti at naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.
Inalalayan niya akong tumayo. Pagkatayo niya sa akin ay niyakap niya ulit ako ng mahigpit. Ramdam na ramdam ko ang saya sa puso niya. Mahigpit ang yakap niya sa akin na para bang ayaw niya akong pakawalan. Pinulupot ko ang braso ko sa katawan niya. Inamoy niya ang buhok ko at naramdaman kong lumapat ang labi niya sa sentido ko.
"Nandito lang ako palagi, Audie. Magsabi ka lang. Hindi kita iiwan. Sabay tayong lalaban." Seryoso niyang sabi habang dinudungaw ako.
Kumalabog ang puso ko nang tumingala ako. Ngiti lang ang tanging naipakita ko sa kanya. Tumango ako 'tsaka niya lang ako pinakawalan.
Pakiramdam ko ay lumulutang ako habang nagbibihis. Natagalan pa ako sa loob dahil tumatagal ang titig ko sa singsing na binigay sa akin ni Jazxtin. Prepared, huh?
Naabutan ko siyang tinititigan ang picture frame sa kwarto ko na may lamang litrato naming dalawa. Binaba niya iyon nang makitang lumabas na ako. Naglakad siya palapit sa akin at bumaba ang tingin sa kamay ko. Hinawakan niya 'yun at pinagsalikop niya ang kamay naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Take Her To The Moon
Romance"Take her to the moon for me. Take her like you promised me. Say you love her every time like how you told me the last time."