Chapter 12

28 1 0
                                    

Chapter 12 - Mahal Pa Rin Kita

Audie's POV


Pabagsak kong binitawan ang kutsara na hawak ko. Napatingin silang lahat sa akin. Pakiramdam ko ay kumukulo ang tiyan ko na gusto kong masuka o ano. Hindi ko alam! Nawiwindang ako sa mga sinasabi ni Jazxtin sa harap ng mga magulang ko.



Paano na si Yumi? Oo at hiniwalayan niya na ito. Pero para talaga sa amin ng anak niya? Masaya ako para doon pero hindi niya man lang ba nirerespeto ang mararamdaman ni Yumi?




Tumayo ako at pinunasan ang bibig ko. "Excuse me, po..."

Tumaas ang kilay ni Papa sa akin at ngumisi ng nakakaloko. "Saan ka pupunta?"

"Iaakyat ko lang po si Shan." Sabi ko habang lumalapit sa anak kong kinuha ko na at umakyat na. Hindi ko na sila hinintay pang makapag salita.



Iniwan ko si Jaz kasama ang magulang ko doon sa lamesa. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Gusto ko 'yung ginawa niya para sa amin. Pero mali naman ata dahil hiniwalayan niya si Yumi? Nakaramdam ako ng awa kay Yumi. Hindi niya deserve na tratuhin siya ni Jaz ng ganoon. She's kind. Gaya nga ng sinabi sa akin ni Jazxtin noon, Yumi's like an angel.



Ganoon din ang tingin ko kay Yumi. Para sa akin isa siyang anghel. Noong high school kami ay alam kong isa siyang mabuting babae. Nararamdaman ko rin noon na may pagtingin siya kay Jaz. Kaya hindi na rin ako  magtataka kung naging sila ni Jazxtin. Nakakaramdam ako ng inggit noon dahil sa kanya. Sa mga pisikal na anyo niya pero hanggang doon na lang 'yun. I like her when it comes to fashion. Isa siya sa mga babaeng pinagkakaguluhan ng mga lalaki noon.



Kaya nga nagtataka rin ako kung bakit ako pa 'yung nagustuhan ni Jazxtin. Hindi ako kasing sexy o kasing ganda ng ibang babae.




Ay naku! Bakit ko ba iniisip lahat ng ito? Ang mahalaga naanakan niya ako, hindi ba? Oh shit! Audie, 'yung utak mo!




Pumikit ako ng mariin at muntik nang mapatalon sa gulat. Kumalabog ang pintuan ng kwarto kaya nilingon ko kung sino 'yun. Pinagmasdan ko si Jazxtin na umupo sa kama kung saan nakaupo rin ako at si Shaniah.


Umuga ang kama dahil sa kanyang pag upo. Inatake agad ng kanyang mabangong amoy ang aking ilong. Nasa kabilang side siya ng kama. Umuga ulit ito dahil mas lumapit siya sa amin at tinukod ang siko, pumangalumbaba habang pinagmamasdan ang anak niya na hinahaplos ko ang buhok.


"Hindi ka pa uuwi?" Tanong ko, hindi siya tinitignan.

"Wala naman akong gagawin sa bahay..."

Tumaas ang isang kilay ko. "Work?"

"I told you, Audie, isang linggo akong hindi papasok..." malalim ang kanyang boses nang magsalita.

"Pansamantalang papalit ang Papa mo sa'yo?"

"Yup... gusto ka rin makita ng parents ko. Pati na rin si Shaniah..."

Tinigilan ko ang paghaplos sa anak kong humihiga na ngayon sa tabi ni Jaz. Pumupungay na ang mata niya at nagsisimula na rin siyang humikab.

"Kailan?" Sinulayapan ko siya.

Kung nakamamatay lang ang titig ni Jaz, kanina pa siguro may pinaglalamayan dito. Nakakatunaw 'yung titig, e...

"Mamayang gabi. Dinner." Simpleng sagot niya.

Tumango ako at hindi na lang tumanggi.



Binalot kami ng katahimikan. Dahan-dahan niyang inangat ang sarili para makaupo sa harap ko. Lumapit siya sa akin. Naka kunot ang aking noo habang pinagmamasdan siyang nagiging maingat sa mga kilos dahil tulog na si Shaniah sa tabi ko.



"You tell me, Audie..." may pagbabanta sa tono ng kanyang pananalita.

Kumunot ang noo ko. Gumapang ang kamay niya patungo sa kamay ko. Gulat akong napatingin sa kamay naming dalawa. Babawiin ko sana pero hindi ko magawa dahil kapag sinusubukan kong kumawala ay mas lalo niya lamang hinihigpitan ang hawak sa akin.

Nilagay niya ang isang kamay sa likod at hinila ako palapit sa kanya. Sa isang iglap ay magkadikit na ang katawan namin. Ngunit bahagya niya rin akong nilayo para makita niya ang mukha ko. Natataranta na ako, hindi ko alam kung bakit kaya imbes na tignan ang mata niyang nagpapakaba sa akin ay nanatili ang tingin ko sa kanyang matipunong dibdib.

"Why did you leave me? May kutob akong hindi lang 'to dahil sa nabuntis kita... alam mo namang pananagutan ko ang dinadala mo, hindi ba? That's my plan. To get you pregnant..."

Lumunok ako at hinintay ko ang idudugtong niya. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin, hindi ko alam ang kanyang pinupunto pero gusto kong marinig lahat ng gusto niyang sabihin.

"I want to build a family with you. I want you to be my wife... alam mo 'yan, Audie. Pero bakit natakot kang sabihin sa akin na may anak tayo?" Tumindig ang balahibo ko habang nilalagay niya ang mga takas na buhok sa likod ng aking tainga. "Bago ka makipaghiwalay sa akin... sa pagkakatanda ko wala naman tayong pinagawayan. Sa pagkakaalam ko, hindi naman ako nagkulang. What's the real reason, Audie? Tell me..."




Ang kanyang hintuturo ay hinaplos ang pisngi ko patungo sa aking baba para iangat ang tingin ko sa kanya. Nagmatigas ako at mas piniling huwag salubungin ang kanyang tingin. Naramdaman ko ang panginginig ng kanyang daliri. Hindi ko alam kung kinakabahan ba siya o galit.




"You fucking tell me, Audie. Don't you trust m-me?" Humikbi siya.

Nanlaki ang mata ko nang iangat ko ang tingin ko ay nakita kong may tumulong luha sa kanyang pisngi. Pinunasan niya iyon at nakikita ko ang pagpipigil niya.

Please, don't cry. Ilang beses na kitang nakitang umiiyak ng dahil sa akin at ayoko no'n.

Huminga siya ng malalim at pinakalma ang sarili. Sobra na ang sakit na dinulot ko sa kanya.

Ang kanina'y malungkot na ekspresyon ay napalitan ng galit. Alam kong para sa akin 'yun. Sinapo niya ang magkabilang pisngi ko.

"Tell me, please..." pinagdikit niya ang noo naming dalawa.

"A-Anong sasabihin ko?" Pumikit ako at naramdaman ko ang paghalik niya sa tungki ng aking ilong.




May kutob na ako. Kanina pa lang ay nararamdaman ko na ang gusto niyang sabihin ko sa kanya pero hindi. Ayoko. Ayokong aminin 'yun sa kanya. Malamang ay sinabi ni Papa at Mama sa kanya 'yun. 'Yung tungkol sa kalagayan ko. Sinabi nila 'yung kondisyon ko.




"You won't tell me, then? Are you sure, Audie? Na wala ng iba pang rason? Na wala ka ng ibang aaminin sa akin bukod sa meron tayong anak?"

Umiling ako. "Wa-Wala na..."

Lumayo siya sa akin at tumango.






Tumayo siya at handa ng umalis. Sa gitna ng kanyang pagtayo ay hinila ko ang kanyang kamay at mabilis kong pinulupot ang aking mga braso sa leeg. Niyakap ko siya ng mahigpit. Binaon ko ang mukha ko sa leeg niya at naamoy ko agad ang kanyang bango. Hinaplos ni Jaz ang likod ko at hindi ko na napigilan ang hikbi ko.





"I-I'm sorry..." humikbi ako sa kanyang balikat.

Pilit niya akong nilayo sa kanya. Nanghihina ako kaya hindi ko na magawang lumaban.

Pinatakan niya ng halik ang aking labi. Sa pangalawang halik ay mas lalong dumiin at mas matagal pa kaysa sa nauna.




"Ayos lang. Mahal pa rin kita..." Isang halik pa ang iginawad niya sa akin bago niya tapikin ang ulo ko at tumayo.

Nakabuka pa ang labi ko dahil sa mga matamis niyang halik. Kinagat ko ang labi ko. Naramdaman ko ulit ang labi niya pero ngayon ay nasa noo.

"Magpahinga ka muna. Susunduin ko kayo mamaya..." Sabi niya at saka umalis.

Take Her To The Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon