Chapter 5 - Lie
Audie's POV
Flashback
I don't know what to do. Ang sayang naramdaman ko nang malaman kong may anak ako ay biglang naglaho.
My friend, Jeff, visited me. Nakauwi na rin ako sa bahay galing sa ospital. Hindi na muna ako pumasok sa trabaho ko. Nag file na muna ako ng leave for two months. At kapag ganito pa rin ang kalagayan ko, titigil muna ako sa pagta-trabaho.
"Ano ng nararamdaman mo ngayon? May masakit ba sa'yo?"
Ngumiti ako sa aking kaibigan. "I'm fine, Jeff. Huwag ka ngang mag-alala. Ayos lang ako at walang masakit sa akin."
"You should eat more, Audie! Kahit hindi na para sa'yo at para na lang diyan sa pamangkin ko!" Inirapan niya ako at wala akong magawa kung hindi ang humalakhak at sundin siya.
"Alam ba ni Jaz na nandito ka?"
Napatigil ako sa pagkain ko. Kinuha ko muna ang baso at sumimsim doon.
Umiling ako. "Hindi ko pa sinasabi. Isa pa, busy din siya."
"Kahit na! Ano naman kung busy siya? Wala sa kaniya 'yun, Audie. Kailangan niya malaman na magiging ama na siya 'no."
Alam ko. Hindi na rin kami madalas nakakapag-usap ngayon. Balak ko sanang sabihin sa kanya pero nang malaman ko ang kalagayan ko ay parang nagbago ang isip ko.
Ilang linggo rin akong naging malamig ang pakikitungo kay Jazxtin. Masakit sa akin na kailangan ko siyang saktan. Kaysa naman saktan ko siya habang-buhay. Kung mawala ako, mas masasaktan siya. Kaya ko ginagawa ito para sa kanya. He deserve to be happy. At hindi niya kailangan manatili sa isang tao na iiwan din naman siya bandang huli.
"I miss you." Namamaos ang kanyang boses sa kabilang linya.
Pakiramdam ko ay may namuong bukol sa aking lalamunan. Tumikhim ako para ayusin ang boses ko.
"Hey... you okay?"
"Yes. Yes! I'm okay." I tried to sound cheerful. "Uh, Jaz? Pwede bang mamaya na tayo mag-usap? I-I need to go back to work."
I heard him sighed. "Ganoon ba? Okay. I'll call you later. Take care."
Pinutol ko agad ang linya. Ganoon lang palagi ang pag-uusap naming dalawa. Kung hindi ako ang nagbababa, siya.
Napagdesisyunan ko na pupunta ako sa opisina ni Jazxtin para makapagpaalam. Mahirap man sa akin pero para sa amin ito ng anak niya.
Plano ni Mama na pumunta kami sa ibang bansa. She wants me to stay there for good o hanggang sa maging maganda ang pakiramdam ko. Ginusto ko rin ang desisyon ni Mama at naiintindihan ko 'yun. Ayaw niyang may mangyaring masama sa akin at sa magiging apo niya kaya naiintindihan ko.
"Are you really sure about this, Audie? Hindi mo naman kailangan itago ito kay Jaz. He will understand. Hindi mo man lang ba inisip ang nararamdaman niya?"
Kung alam mo lang, Jeff. Kung gaano ko pinagisipang mabuti ang gagawin kong ito. Ilang araw ko itong pinagisipan. Mahirap sa akin ito, na iwan ang taong mahal na mahal ko. Iiwan ko siya dahil wala akong kasiguraduhan na makakabalik pa ako rito. Wala akong kasiguraduhan kung kailan ako magtatagal sa mundong ito.
From: Jazxtin
Hey... I really miss you. Can we have a date on Saturday? I'll pick you up.
From: Jazxtin
I called you. You're not picking up the phone. Are you busy?
From: Jazxtin
Sweetheart, I want to hear your voice. But if you're already sleeping, I won't disturb you.
BINABASA MO ANG
Take Her To The Moon
Romance"Take her to the moon for me. Take her like you promised me. Say you love her every time like how you told me the last time."