Chapter 3

50 1 0
                                    

Chapter 3 - Weak

Audie's POV

"Shit!"

Napabalikwas ako ng bangon sa aking higaan. Hinawakan ko ang sentido ko nang kumirot ito. Pinikit ko ulit ang mga mata ko dahil tumama sa akin ang sinag ng araw. Kinusot ko ang mga mata ko at dumilat para tignan si Reese at Jeff na humihilik ng malakas.

Tumingin ako sa orasan na nasa gilid ko at nakitang 11 AM na pala. Tinanghali na ako ng gising.

Balak ko na sanang humiga ulit nang mapansin ang dress ko kagabi na suot ko pa rin hanggang ngayon. Pilit kong inalala kung paano ako napunta rito kagabi dahil sa pagkakaalam ko ay lasing na lasing ako! At nasa huling alaala ko na kahalikan ko si Jaz kagabi!

Oh my god!

Napakagat ako sa aking labi at agad sinisi ang sarili kung bakit hinayaan ko ang sarili ko na halikan siya.

Ano bang pumasok sa isip mo, Audie?

Kinalma ko ang sarili ko. Agad kong sinarado ang kurtina dahil humahapdi ang balat ko. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin at nakitang namumula na naman ang aking mukha.

Narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Hinanap ko muna ito bago ko sagutin kung sino man ang tumatawag.

"Hello?"

"Audie! Kanina pa ako tumatawag sa'yo. Hindi ka pa raw bumababa sabi ng mga pinsan mo. Tinanghali ka ata ng gising?"

"Nagkatuwaan lang po kami kagabi, Ma." Sagot ko sa kanya.

"Wala naman bang nangyari sa'yo? Audie, iwasan mo na 'yung mga gawain na ganyan. Hindi na makakabuti sa sarili mo 'yan." Punong-puno ng pag-aalala ang kanyang boses.

"Okay, ma. I'm sorry. Bakit ka po pala tumawag?" Tanong ko at nagtungo na sa aking maleta para kumuha ng damit.

"Itong si Shaniah hinahanap ka. Gusto kang makita. Miss ka na nitong bata."

Sandali akong napatigil sa paghahanap ng maaaring suotin.

"Pakipasa po sa kanya ang phone, ma."

"Okay."

Narinig ko sa kabilang linya ang boses ng bata. Lumapad ang ngiti ko dahil sa narinig. Pakiramdam ko ay may humawak na sa aking puso dahil sa narinig. Na-miss ko agad siya.

"Mommy!"

"Hi, baby! How are you?"

Narinig ko ang pagsinghot niya sa kabilang linya. "Ah mish yu!"

"I miss you, too! Uuwi rin ako riyan after this, okay? I love you!"

"Ayabyu, mommy!"

Pagkatapos kong marinig ang boses ng anak ko ay guminhawa ng ang aking pakiramdam. Naligo na ako at nagbihis. Sinuot ko ang isang sweater na nakuha ko at fitted na pantalon. Ginising ko na rin sila Reese at Jeff para makapaghanda na rin sila.

Sabay-sabay na kaming bumaba para kumain na ng tanghalian. Natanaw ko na ang mga pinsan ko kasama sila Jaz malapit sa dalampasigan. Nagkakatuwaan silang lahat habang naglalaro ng beach volleyball. Gustuhin ko man makisali sa kanila ngunit alam kong hindi pwede.

"Ang init init pero balot na balot ang katawan mo!"

Pinasadahan ni Reese ang suot ko ngayong araw at umirap.

"Uso kasi 'yan!" Tumawa ng peke si Jeff.

"Umakyat ulit tayo sa kwarto at magpalit ka! Hindi ka makakapag enjoy kung mainit na nga ang panahon at mainit pa rin 'yang suot mo."

Take Her To The Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon