Chapter 8

31 1 0
                                    

Chapter 8 - Who

Audie's POV

Kinabukasan ay napagpasyahan nila mama na ipasyal muna ang anak ko sa mall. Hinayaan ko naman sila dahil alam kong nababagot na ang anak ko. Hindi ko siya masamahan dahil nanghihina na ako kaya narito lang ako sa aking kama.

Tanghali na kaya bumaba na muna ako para samahan si Yaya Neda na kumain. Inalalayan niya akong bumaba. Napansin ko ang pagpayat ng aking katawan. Alam kong kailangan kong maging malusog pero sadyang wala talaga akong gana kahit na anong gawin ko. Kaya't sa tuwing kakain ako, pinipilit ko na lang para kahit papaano ay maging malakas ako.

Lumalapit na ang araw ng kaarawan ni Shaniah. Balak ko sanang bigyan ng engrandeng birthday si Shaniah katulad noong nakaraan. I want her to experience that. Dalawang linggo na lang at dadating na ang araw ng kanyang birthday.

Last year, she celebrated her birthday in New York. Magkalapit lang ang birthday naming dalawa. My daughter's birthday is on December 10. Ako naman ay 16.

Pagkatapos kong kumain ay kinumbinsi ko si Yaya Neda na bilhan ako ng mga ingredients para sa gagawin kong brownies. Naisipan kong gumawa nito dahil nababagot na ako at para kahit papaano ay malibang ko naman ang sarili ko.

Habang hinihintay ko si Yaya Neda na bumalik at maibigay sa akin ang mga ingredients ay naalala ko na paborito pala ni Jaz ang mga ginagawa kong brownies. Sa tuwing wala kaming magawa at nagutom kaming dalawa ay aanyayahan niya akong igawa siya ng kanyang paboritong pagkain.

Pinilig ko ang ulo ko at inalis ang mga bagay na tumatakbo sa isipan ko. Inabala ko ang sarili ko sa pag gawa ng brownies. Nagpahinga na rin ako sandali habang hinihintay ko na tumunog iyong oven na pinaglulutuan ko.

Dinampot ko ang phone ko at tinignan ang messages doon. Nakita ko ang isang unknown number na nagkataong si Jaz pala. Nawala na sa isip ko ang message niyang ito dahil abala ako sa pagalaga sa anak ko. Huminga ako ng malalim bago ibalik ang phone ko sa ibabaw ng lamesa nang tumunog na ang oven.

Tinulungan ako ni Yaya Neda na ilabas ang dalawang tray ng brownies. Tumunog ang aking phone habang nilalapag ko ang isang tray. Inabot 'yun ni Yaya Neda at muntikan ko nang mabitawan ang tray dahil sa narinig ko kay mama. Mabuti na lang at naalalayan ako ni Yaya!

"WHAT?" Halos pasigaw kong tanong.

Agad na nangibabaw ang kaba na nararamdaman ko. Kunot ang noo ni Yaya sa akin. Hinubad ko ang gloves na suot ko. Napasapo ako sa aking noo.

"Saan kayo huling nag punta? Nasaan kayo ngayon?" Naiirita kong tanong.

"Nasa loob kami ng spa ng papa mo. Nag pa massage kaming dalawa at nang pag labas namin ay wala na si Shaniah! May binayaran akong tao para bantayan ang apo ko ngunit nawala raw ito bigla sa paningin niya." Dinig ko ang pag singhot niya sa kabilang linya.

Nalaglag ang panga ko sa narinig. "REALLY, MA? Paano kung 'di naman talaga mapagkakatiwalaan ang taong 'yun? What if isa siyang sindikato? MA! Bakit pinagkatiwala mo sa ibang tao ang anak ko!" Hindi ko na maitago sa boses ang frustration na nararamdaman ko.

"I'm sorry, anak. We'll find her. Don't worry... nasisigurado ko na hindi pa nakakalayo si Shaniah. Pinagalitan ko na 'yong taong pinagbantay ko kay Shan at sinabi niyang tutulong siya. Mapagkakatiwalaan ang taong 'to, Audie." Paliwanag niya sa kabilang linya.

"Go to the customer's service and tell them that my daughter is missing!"

Napasapo ako sa aking noo. Napa upo ako sa sofa. Mabilis akong nilapitan ni Yaya Neda para alalayan dahil muntik na akong matumba.

"I'll tell them, anak. Calm down, okay? We're going to find her! Just don't do anything! Kami na ang bahala rito." Natataranta ang boses ni Mama at gusto niyang kumalma ako.

Take Her To The Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon