Chapter 6

36 1 0
                                    

Chapter 6 - Mistress

Audie's POV

Iyon ang araw na hindi ko makakalimutan. Sobrang sakit. Malaki ang epekto sa akin ng huli naming pag-uusap ni Jaz noon.

Mabuti nga at nakatagal pa ako ng dalawang taon matapos kong malaman na meron akong SLE. Laking pasalamat ko na rin sa Diyos dahil matagumpay at ligtas kong naipanganak ang aking anak.

Malapit ng mag-dalawang taon ang aking anak na si Shaniah. Simula ng ipanganak ko siya ay nagkaroon ulit ng panibagong kulay ang buhay ko. Nabigyan ako ng pag-asa na mabuhay at manatili pa sa mundong ito.

Masasabi kong ang swerte ko. Dahil buhay pa rin ako at humihinga ngayon. Ngunit, alam kong kahit anong oras pwedeng tumigil ang pagtibok ng puso ko. Pwedeng tumigil ang bawat paghinga ko.

Maraming sintomas ang sakit ko. At hinayaan ko si mama na pigilan iyon. Ayun lang daw ang tanging paraan para hindi lumala ang sakit ko. Pero nang mapagod na ako, tinanggap ko na naman. Tanggap ko na ang maaaring mangyari sa akin. Kung darating man ang araw na 'yun, gusto kong makilala ni Jaz ang anak niya. Gusto kong makilala ng aking anak ang lalaking mahal ko.

Gabi na at hinihintay ko sila Jeff sa room namin. Gusto ko pa sanang hintayin sila ngunit nakaramdam na ako ng gutom kaya nagpasya ako na bumaba para magpunta sa restaurant at kumain.

I stop when I saw Jaz. Naglalakad siya patungo sa elevator. Nagmadali na akong maglakad para maunahan siya. Napalunok ako at namuo ang pawis sa mukha ko nang pumasok siya sa elevator. Nagtama ang paningin naming dalawa. Agad akong nag-iwas ng tingin at malas nga naman dahil kaming dalawa lang ang tao sa loob ng elevator.

Gusto ko na lang tuloy lumabas na lang at maghagdan kaysa makasama si Jaz! Pakiramdam ko kasi ay malalagutan ako ng hininga.

Pinaglalaruan ko lang ang aking mga daliri habang hinihintay na makapunta ng ground floor itong pesteng elevator na ito. Bakit ba ang tagal nitong makarating doon?

"Audie." Shit.

Nanatili akong nakatingin sa harapan. "Hmm?"

"I'm sorry sa ginawa ko kanina. I shouldn't kiss you like that. N-Nadala lang din ako sa emosyon ko."

Umawang ang bibig ko at nagulat ako sa kanyang sinabi. I'm not expecting him to say sorry after what he did! Naiintindihan ko naman siya. Naiintindihan ko kung bakit ganoon na lang ang mga nasabi at nagawa niya sa akin kanina.

Naging balisa agad ako. Naghuhuramentado na ang puso ko at kaunti na lang ay kahit wala pa ako sa tamang floor ay aalis ako rito.

"I-It's okay. I-I understand. Let's just move on." Nauutal na sambit ko.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Nilingon ko siya at nakita kong nakatitig siya sa akin. Ibubuka niya pa sana ang bibig niya para magsalita nang biglang tumunog ang phone niya. Umiwas ako ng tingin at narinig kong sinagot niya ito.

Nang makarating sa tamang floor ay mabilis akong lumabas ng elevator. Agad akong nakaramdam ng ginhawa pero agad napalitan ang mood ko kanina nang marinig ko kung sino ang tumawag kay Jaz.

"Yes, Yumi?... Kumain ka na ba?" Dinig kong sabi ni Jaz.

Nagmadali akong pumunta sa restaurant hanggang sa hindi ko na maramdaman ang presensya niya.

I don't have the rights to be jealous. Kailangan kong pigilan 'tong selos na namumuo sa puso ko dahil masama ito para sa akin. Hindi dapat ako magselos. Hindi dapat ako makaramdam ng ganitong uri ng pakiramdam. Katulad nga ng sinabi ko kanina, kailangan naming mag move on.

Take Her To The Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon