Chapter 10 - Us
Audie's POV
Kinabukasan ay maaga akong gumising. Alas singko ng madaling araw ay naka bangon na ako. Mahimbing ang tulog ni Jaz sa tabi ni Shan kaya hindi ko na rin ito ginising para magtanong kung may trabaho man ito. Mukhang kusa naman siyang gigising kapag meron.
Ni hindi ako naka tulog ng maayos kagabi kakaisip sa mga posibleng mangyari. Kilala niya na si Shan bilang anak niya, anak naming dalawa. We can't be together. Nariyan si Yumi, ang kanyang girlfriend. Hindi ko man mabibigyan ng buong pamilya si Shaniah but I promise to myself that I'll give all the love she deserve.
Naghanap ako ng pagkain sa ref. Niluto ko ang nakita kong hotdog, bacon and egg para pagkagising ni Jaz ay nakahanda na ang kanyang pagkain. Ni hindi ko namalayan na naka ngiti ako kahit na naninikip ang dibdib ko. I'm happy but my heart is aching at the same time.
Kung bakit pa kasi nagkaroon ako ng sakit! Kung bakit pa kasi... bakit pa kasi ako?
This time, gagawin ko ang kailangan kong gawin bago man lang ako mawala. Alam ko naman na darating din ang oras na kailangan kong mamaalam sa dalawa. Is this a sign? Na malapit na? Kaya ba pinagtagpo na ang mag ama para matapos na rin itong paghihirap ko?
I don't want that to happen. 'Yung mawala ako. Ayoko pero tanggap ko na. Matagal na. Paano kung itong pagpapahirap sa akin ang dahilan kung bakit gusto ko pang manatili sa mundong 'to? Isa sila sa dahilan kung bakit mas naging determinado ako na lumaban kahit na alam kong sa huli...
"Kanina ka pa?" Boses 'yun ni Jaz.
Bahagya akong napatalon lalo na nang makita ko siya sa aking likod nang ako'y lumingon. Walang suot na damit pang-itaas. Iniwas ko ang mata kong pumipirmi ang tingin sa kanyang katawan.
Nakita ko ang magulo niyang buhok. Shit lang, a? He looks so good in the morning talaga! And I can't believe that I'm standing in front of him... ni hindi pa nakakapag toothbrush o nakakapagpalit man lang ng damit.
Nakaramdam tuloy ako ng hiya. I swear! Mukha akong ginahasa sa itsura ko!
Pinasadahan niya ng tingin ang mesa. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya dahil gusto kong makita ang kanyang reaksyon. Ngumiwi siya nang makita ang mga nakahain sa hapag. He looked at me.
Ngumuso ako at bumaba ang tingin sa mga pagkain. "You don't like it?" Sabi ko at iniisip ko na na kakainin ko lahat ito bago pa man siya mag desisyon na itapon ito.
Umiling siya at naghatak ng silya para maka upo. Nagmamadali akong nag lagay ng kutsara at tinidor sa kanyang harapan.
"Cook the spaghetti for us, please," aniya pagkatapos kumagat sa hotdog na nakatusok sa kanyang tinidor.
Nag angat siya ng titig sa akin at nataranta agad ako. "W-Where's the pasta?"
"Cabinet." Maiikli niyang sabi.
Tumango ako at kinuha na ang pasta. Matutuwa si Shaniah nito dahil paborito niyang kainin ang spaghetti. Binuksan ko na ang kalan at sinimulan ng iluto ang pasta. Habang hinihintay 'yun, nag tungo muna ako sa kanyang CR. Nakatitig lang siya sa akin habang naglalakad ako papunta roon.
Bago pa ako makapasok ay nilingon ko ulit siya. Ikinagulat ko na nakatingin pa rin siya sa akin at hinihintay akong makapasok doon.
"Do you have... uhm... extra toothbrush?" Naiilang ako sa titig niya.
Hindi ko alam bakit pinasadahan niya muna ng tingin ang aking katawan bago ako sagutin. "Yup. Kumuha ka ng t shirt sa kwarto. May underwear na rin. Suotin mo 'yon."
BINABASA MO ANG
Take Her To The Moon
Romance"Take her to the moon for me. Take her like you promised me. Say you love her every time like how you told me the last time."