Chapter 19

25 0 0
                                    

Chapter 19 - Then, Don't

Audie's POV

Tuwang-tuwa si Mama. Lalo naman 'yung mga kaibigan at pinsan ko. Pagkatapos mag-propose ni Jazxtin sa akin (na hanggang ngayon nawiwindang pa rin ako) tinuloy ang party. Nag-alala nga ako dahil baka naistorbo ang mga bisita pero alam din pala nila ang plano ng lokong 'to!

Nag-uunahan pang lumapit sa akin ang mga pinsan ko. Kabi-kabilang "congratulations" ang naririnig ko. Ni hindi ko pa alam kung sino ang unang lilingunin ko. Ngayon, patapos na ang party. Nagpapa-games na lang ang host sa mga bata. Tapos na rin kantahan ang anak ko.

"Good health for me and my family!" Ani Shaniah nang tanungin namin kung ano ang kanyang wish.

Napangiti ako habang inaalala 'yun. Masayang natapos ang party. Alas-nuwebe natapos at nagliligpit na ang mga tauhan ni Mama. Dalawang celebration daw ang meron ngayon. Engagement namin ni Jaz at ang birthday ni Shaniah. Nagluto si Mama ng iba't ibang putahe para sa aming dalawa ni Jaz.

Ang mga matatanda ay imbes na umuwi na, sumama sa amin mag-dinner. Kumpleto ang pamilya ko at mga kamag-anak ni Jazxtin. Pumayag ang lahat na sumama dito sa dinner sa amin dahil hindi naman kami kumain noong kumain ang mga bata sa party.

"Grabe 'tong si Kuya Jaz! Dalawang proposal ginawa?" Ani Macey.

"Haba ng hair!" Natatawang sabi ni Jeff.

Nagtatalo si Lauren at Jennifer kung saan gaganapin ang kasal ko. Natatawa na lang ako sa kanilang dalawa. Hindi naman sila 'yung ikakasal, e pero grabe makipagtalo.

"Ate Audie, mas maganda ang beach wedding, right?" Tinawag ako ni Jennifer.

Bago pa ako maka-sagot, sumingit naman si Lauren.

"Mas maganda kapag church wedding! Iba pa rin kasi 'yung nakasanay natin. Alam mo ba 'yun? Mas feel mo 'yung presence ni God-"

"Magtigil nga kayong dalawa. Nakakarindi bunganga niyo." Singit ni Macey.

"Hindi naman kayo ang ikakasal kaya manahimik kayo diyan." Masungit na sabi ni Newt at pinagpatuloy ang pagkain ng ice cream sa harapan niya.

Natahimik ang dalawa at balak sanang batukan ang dalawang lalaki na sumingit sa  usapan nila pero pinanlakihan ko sila ng mata dahil nasa hapag-kainan kami at mali 'yung gagawin nila.

Kapag ba talaga masaya ka, mabilis tumakbo ang oras? 'Yung tipong hindi mo namamalayan na gabi na pala o umaga. 'Yung magugulat ka na lang kailangan mo na palang matulog kasi gabi na o gumising kasi umaga na.

Sa bawat araw na nagdadaan, nararamdaman ko ang panghihina ko. Hindi ko lang pinapakita kay Jazxtin. Dahil natatakot ako na makita ko na naman siyang mahina. Sila na lang ang pinagkukuhanan ko ng lakas. Ang pamilya ko kaya paano ako kukuha ng lakas sa kanila kung pati sila manghihina gaya ko, diba?

Araw-araw din akong nagdadasal. Sinusulit ang bawat minutong kasama ko si Jazxtin at ang anak ko. Pinapaubaya ko na lang ang lahat kay God. Siya na ang bahala sa akin. Hindi ko naman hawak ang buhay ko. Hindi ko rin 'to kontrolado.

Pinaplano na rin nila Mama ang kasal namin. Sa isang simbahan kami ikakasal. Gusto ko rin sa beach kaya lang, iba pa rin talaga kapag sa simbahan diba? Nakasanay na kasi, e. Isa pa, pangarap ko 'yun. Bata pa lang ako, iniisip ko na kapag kinasal ako, parang mala-fairytale. Halos lahat naman siguro ng mga babae, ganoon ang pangarap.

"Ma, tutulong na po ako. Kasal ko po ito-"

Hinawakan ni Mama ang kamay ko. "Anak, let me. Alam kong kasal mo 'to pero ipaubaya mo na 'to sa akin. Ibigay mo lahat ng oras mo sa mag-ama. Ibigay mo lang sa akin lahat ng detalye na gusto mo at ako na ang bahala."

Take Her To The Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon