Chapter 7 - Contented
Audie's POV
Bumalik ako sa hotel room namin pagkatapos ng sagutan naming dalawa ni Jaz. Pinipigilan ko ang sarili ko sa pag-iyak ngunit hindi naman ako nagtatagumpay. Sumasakit ang dibdib ko sa pag-iyak kaya't kinailangan ko pang kunin 'yung gamot para hindi manikip ang dibdib ko.
Paulit-ulit kong narinig ang mga sinabi ni Jaz kanina na parang sirang plaka.
He assumed that I am already married. Alam niyang may anak ako. Maybe, my cousins told him that. Kaya siguro inisip niya na may asawa ako dahil may anak na ako. But he's wrong. He is the father of my child.
Buong gabi ko inisip ang pagtatalo naming dalawa ni Jaz. Kaya kinabukasan ay pag gising ko, halata na napuyat ako. Kita ang dark circles sa ibaba ng mga mata ko.
Wala akong gana ng kumain kami ng breakfast. Kasama namin ang mga pinsan ko na masayang nagkekwentuhan sa hapag. Ang mga matatanda naman ay nauna ng umalis patungo sa kanilang mga tirahan.
Ni hindi ako umiimik simula pa kanina. Napansin siguro iyon ni Reese at Jeff kaya hindi na rin nila ako kinulit. Hindi ko alam kung paano nagagawa ni Jaz ang makipagtawanan pa pagkatapos ng pagtatalo namin kagabi pero hindi siguro siya ganoon kaapektado sa nangyari.
"You two fight?" Bulong sa akin ng pinsan kong si Lauren.
Kumunot ang noo ko at umiling. I don't want to talk about this pero hindi ko maiwasan ang aking kuryosidad dahil sa kanyang tanong.
"I saw you with him last night. Tatawagin sana kita dahil hinahanap ka ni Mommy, e, kaso mukhang nagtatalo kayo kaya hinayaan ko na lang muna. Hindi na ako lumapit." Nagkibit siya ng balikat sa akin.
Tipid akong ngumiti. Hindi ako sumagot pero mukhang gusto niya pang mang usisa tungkol sa nakita niya kagabi.
"Did you tell him that he is Shaniah's father?" Mas lalo pa siyang lumapit sa akin para bumulong.
Namilog ang mata ko at tumingin sa mga taong naroon sa lamesa. Mabilis akong nag iwas ng tingin nang magtama ang paningin naming dalawa ni Jaz. Pakiramdam ko ay may nakarinig ng sinabi ni Lauren kahit na alam kong wala naman.
"Hindi ko sinabi, Laur." Iling ko.
"Shaniah needs to know that Jaz is her father. What if maghanap ng tatay ang bata? What will you say?"
Lumayo siya sa akin at umayos sa pag upo. Tinignan ko siya at binalik niya na ang atensyon sa pakikipagusap sa mga pinsan ko.
Kung magtatanong man si Shaniah kung sino ang tunay niyang ama ay sasagutin ko 'yun. I will tell her the truth. Alam kong darating din ang araw na kailangan niyang malaman iyon. Hindi ko naman itatago ito sa kanya habang buhay pero hindi ko gustong sabihin sa kanya ngayon. I need time. Hindi pa ako handa.
Tahimik lang ako sa byahe. Pinipilit pa ako ni Jeff na kumain ng marami kanina dahil kaunti lamang ang kinain ko pero wala talaga akong gana. Bukod sa paninikip ng dibdib ko ay nararamdaman ko rin ang pananakit ng aking ulo dahil sa mga iniisip ko.
"Ate, please visit us. I miss hanging out with you," masayang sabi ni Norman sa akin bago siya pumasok sa kotse ng kanyang nakatatandang kapatid.
Umawang ang bibig ko at hindi na ako nakapag protesta. Tinignan ko si Jaz na nakahilig sa pintuan ng kanyang kotse at pinaglalaruan ang kanyang labi. Tinaasan ko siya ng kilay at tinalikuran.
Ano ba naman! Inaasahan ako ng kanyang kapatid na bumisita sa kanila. Hangga't maaari ay iniiwasan kong mapalapit kay Jaz... argh! Bahala na nga!
"Audie, alam kong may nangyari sa inyo kagabi ni Jaz. Erikson told us na hindi ka na raw nagpakita sa kanya last night." Kinalabit ako ni Jeff na nasa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Take Her To The Moon
Romance"Take her to the moon for me. Take her like you promised me. Say you love her every time like how you told me the last time."