Chapter 20 - Ikaw
May limitasyon talaga ang buhay ng isang tao, no? Hindi natin masasabi kung kailan tayo kukunin ni Lord. Hindi tayo ang may hawak sa buhay natin. Ipinahiram lang sa atin ito at wala tayong karapatan na sumbatan o utusan kung kailan Niya tayo pwedeng kunin.
Ni hindi rin natin Siya pwede sumbatan kung bakit kinuha Niya agad sa atin ang mga mahal natin sa buhay. Maging thankful na lang tayo dahil kahit papaano, nasilayan natin kung gaano kaganda at kung ano 'yung pinaghirapan ni Lord kahit na unti-unti na itong sinisira ng mga tao.
God is my saviour. He gives me strength. He is also my weakness.
Strength kasi nagpapatuloy akong lumaban. Binibigyan niya ako ng lakas para makasama pa ang pamilya ko. Na kahit nahihirapan na ako, pinagbibigyan niya pa rin ang hiling ko na gumising kinabukasan para masilayan ang ngiti ng anak ko.
"Mommy! D-Don't leave... me, plish..."
Gusto kong takpan ang mga tainga ko para lang hindi marinig ang paghikbi ng anak ko. Bawat hikbi niya ay tumatagos sa puso ko. Todo-punas ako ng mukha niya dahil gusto kong tumigil ang pag-agos ng luha sa pisngi niya. All I can do is to hug her tight. Wala akong magawa para mabura man lang 'yung sakit na nadulot ko sa anak ko.
"I-I heard the doctor... he said y-you'll die any-" sabi niya sa maliit na boses habang humihikbi.
Sunod-sunod ang pag-iling ko. "T-That's not true!"
Kagat-labi kong tinignan si Jaz. I hate this! Ayoko talaga ng ganitong eksena. Nahihirapan akong makita na ganito sila. Kahit si Jaz, malapit ng umiyak. Medyo namumugto na rin ang kanyang mata. Pinaghalong puyat at pagod. Gusto kong pawiin iyon pero paano kung ako mismo ang dahilan ng bawat pag-iyak nila diba?
"L-Liar!" Sigaw ni Shaniah. Inis niyang pinunasan ang kanyang luha. Natawa ako at agad hinalikan ang pisngi ng anak ko.
"Who, baby?"
"That doctor!" Ngumuso siya. Natawa kaming dalawa ni Jazxtin. "I-I hate h-him!"
Binuhat ni Jazxtin si Shaniah at pinaupo sa tabi ko. "Baby, baka namali lang ang dinig mo. Hindi tayo iiwan ni Mommy, okay? May sakit lang siya pero gagaling din siya agad."
Hindi ko alam kung si Shaniah lang ang kinukumbinsi ni Jazxtin o pati ang sarili niya.
Lord, alam ko po na hindi na ako tatagal. Ilang beses ko na bang sinabi 'to sa sarili ko? Alam ko po na sa oras na kunin Niyo po ako, magiging mabuti ang kalagayan ng mag-ama ko. Kayo na po ang bahala sa kanila. Huwag Niyo pong hayaan na maramdaman ni Shaniah na sinadya ko siyang iwan. Huwag Niyo pong hayaan na masaktan ang anak ko. Ganoon din po si Jazxtin. Ipinapaubaya ko na po sa Inyo ang mag-ama ko. Ang buong pamilya ko.
Kung ang buhay ko ay isang oras lang katulad sa computer shop na pwede kong bayaran para mag-extend, ginawa ko na. Kung sana walang finish line.
Kaso hindi...
Ang buhay parang sigarilyo na unti-unting nauupos... nauubos.
Lahat naman tayo ayaw mamatay, diba? Na gusto na lang natin manatili sa mundong 'to kasi natatakot tayo. Kailangan nga lang natin tanggapin. Ano mang oras pwede tayong mawala. Kaya, i-enjoy lang natin ang bawat moment sa buhay natin. Huwag natin sayangin ang oras natin para lang sa mga walang kwentang bagay. Yes, we only live once. Pero huwag natin gawing rason 'yun para gumawa ng bagay na hindi naman makakadulot ng maganda sa atin.
Kung pwede lang i-rewind ang buhay ko at bumalik ako sa nakaraan. Sana pala mas pinili ko na makasama pa si Jaz. Sana mas sinulit ko. Pero wala na. Nangyari na. Hindi ko na mababago.
BINABASA MO ANG
Take Her To The Moon
Romance"Take her to the moon for me. Take her like you promised me. Say you love her every time like how you told me the last time."