Chapter 4 - Sick
Audie's POV
"Ten more minutes, please." Bulong niya sa akin.
Hinayaan ko siya. Kung ito lang ang makakapagpagaan ng pakiramdam niya ay hahayaan ko na muna siyang yakapin ako hanggang sa guminhawa siya.
Hinigpitan niya pa lalo ang kanyang yakap sa akin. Gustuhin ko mang itulak siya para makalayo ngunit hindi ko magawa dahil nagbibigay din ito ng kaginhawahan sa akin.
"Hindi na ba pwede? Hindi ba pwedeng tayo na lang ulit?"
"Jazxtin-"
"Shh... just listen. Huwag kang magsalita."
Marahan akong tumango. Nanunuyo na ang basa kong mukha at nanginginig na rin ako sa lamig ng tubig pero hindi ko pinansin iyon.
"Sinubukan kong kay Yumi na lang ituon ang atensyon ko. I love her. Hindi siya mahirap mahalin. Pero habang tumatagal... hindi pa rin nawawala 'yung pagmamahal ko sa'yo..."
Mahal niya si Yumi. That's it. Mas nararapat si Yumi para kay Jaz. Hindi ko magagawang mag stay sa kanya hanggang dulo.
"She's like an angel. Ang sarap niyang mahalin. Pero pumapasok bigla sa isip ko na... paano ako nagagawang mahalin ng babaeng 'to kahit na alam niyang ikaw pa rin ang mahal ko? I tried to break up with her."
Napalayo ako sa kanyang sinabi. Tanga ka ba? Gusto kong sabihin 'yan pero nang makita kong umiling siya at ilagay niya ang kanyang hintuturo sa labi ko ay hindi ako nagsalita.
"Hindi siya pumayag. She cried and I regret what I said. Hindi ko magagawang saktan ang babaeng 'to pero bakit hindi ko siya kayang mahalin katulad ng pagmamahal ko sa'yo? Hinayaan ko siya... hinayaan ko siya na manatili sa tabi ko kahit na alam kong nasasaktan siya kasi ikaw pa rin ang laman ng puso ko."
Sapat ba na mahal mo ang isang tao para magpaka tanga ka rito? Bakit may mga taong mas pinipiling saktan ang sarili nila para maipaglaban ang nararamdaman para sa taong mahal nila?
"You-You should love her more. Kalimutan mo na ako, Jaz. Wala kang mapapala sa akin kahit na ilang beses ka pang umiyak sa harapan ko."
Narinig ko ang mahina niyang paghikbi. Kinagat ko ang labi ko at agad sinisi ang sarili sa mga sinabi. Pero hindi ko na mababawi 'yun. Nasaktan ko na naman ang lalaking gustong manatili at mahalin lang ako hanggang dulo.
Kung maaaring ako na lang ang magsulat ng aming kwento, ginawa ko na. Kung pwede lang na palagi na lang kaming maging masaya.
Tinulak ko siya palayo sa akin. Hindi na ako nagulat nang mabilisan ko siyang nailayo sa akin dahil ramdam ko ang panghihina niya.
Mas lalong nanikip ang dibdib ko nang makita ko ang kanyang mga mata na nakatitig sa akin habang namumula. He's crying.
Hindi ko matagalan na makita siyang ganito kaya lumangoy ako palayo sa kanya ngunit hinawakan niya ang aking braso kaya hindi ako nakalayo.
Siniil niya agad ako ng halik nang pilit niya akong hinarap sa kanya. Nanlalaki ang aking mga mata. Marahan niya akong hinahalikan. Kinuyom ko ang kamao ko na nakalapat sa basa at maskulado niyang dibdib.
Pakiramdam ko ay bumibigat ang talukap ng mga mata ko. Unti-unti akong pumikit habang nararamdaman na ibinubuka niya ang aking labi. He wants to taste my lips. He claim my lips like its his favorite candy. I let him do whatever he wants to do. Masyado na akong nanghihina sa kanyang mga halik para magprotesta.
"Don't you love me anymore?" Bulong niya sa aking tainga nang iwan niya ang aking labi para halikan ang aking panga.
Ang isang kamay niya ay nakasuporta sa aking likod at unti-unting bumababa ito patungo sa aking hita. Napadaing ako sa nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Take Her To The Moon
Romance"Take her to the moon for me. Take her like you promised me. Say you love her every time like how you told me the last time."