Epilogue

51 0 1
                                    

This is the end! Thank you for reading this.

-------------------

Epilogue

Marahan kong pinikit ang mga mata ko habang pinapakinggan ang mahihinang huni ng mga ibon. Sinandal kong mabuti ang aking sarili sa upuan.

Mula sa aking likuran, naramdaman ko ang kamay ni Jazxtin sa aking balikat. Hinalikan niya ang tuktok ng aking ulo at saka siya tumabi sa akin habang pinupulupot niya ang kanyang braso sa aking baywang.

Hinaplos niya ang braso ko hanggang sa makaramdam ako ng init. Sinandal ko ang ulo ko sa kanyang dibdib.

"You're cold. Let's go inside?" Tanong niya sa akin pero umiling na lamang ako.

I like it here. Puro puno at ang malalayong bundok lamang ang natatanaw ko mula rito sa veranda ng isang rest house dito sa Tagaytay.

Labag man sa kalooban nila Mama at Jazxtin ang pagpunta namin dito, wala na rin silang nagawa kaya't pinagbigyan na lang nila ako. Nangako rin ako kay Mama na babalik kami pagkatapos ng isang linggo. Isa lang naman ang pumipigil kay Mama para payagan ako, nag-aalala siya dahil wala ako sa ospital at baka kung anong mangyari sa akin.

Days passed by, lalo akong nanghihina. Nasabi ko na 'to sa sarili ko at paulit-ulit ko na 'tong natanggap na ganito ang kapalaran ko at ang mahalaga na lamang ay makasama ko ang pamilya ko.

"Nasaan si Shaniah?"

"Nasa loob. Napagod sa paglalaro."

Tumango ako.

Pagkatapos ng aming kasal, kinabukasan ay dumiretso kaming tatlo rito. Gusto pang sumama ng mga kaibigan ko pero naisipan nilang hindi na lang din dahil bibigyan daw nila kami ng quality time bilang mag-asawa.

Asawa. Ang sarap pakinggan dahil legal ko na siyang asawa. Hindi 'yung tawagan lang. Ngayon, totoo na. Legal na kami sa Diyos. Ganap na kaming mag-asawa. Mister ko siya at misis niya ako.

"Penny for your thoughts?"

Inaantok ako sa pakiramdam nang haplusin ni Jazxtin ang buhok ko. Paminsan-minsan ay sinisinghot niya ang ulo ko.

"Uhm..."

"Hmm? Ano 'yun?"

Hinawakan ko ang isang kamay niya at hinaplos ang singsing doon. Pinaglaruan ko ang daliri niya.

"Hindi ka ba nagsisisi na magpakasal sa akin?"

Bigla siyang napa-diretso ng upo kaya naman napalayo ako sa kanya at sumalubong sa akin ang kilay niyang magkadikit at mukhang na-offend ko siya sa tanong ko.

Kinagat ko ang labi ko at saka lumapit pa sa kanya pero nanatili lamang siyang nakakunot-noong nakatingin sa akin.

"Nevermind."

"Bakit, Audie? May dahilan ba para magsisi ako? Bakit ko pa naisipan na pakasalan ka kung hindi ko rin naman paninindigan?"

Oops. Nagalit ko nga ata.

Ngumuso ako at saka siya niyakap patagilid. Hinayaan kong tumama ang ilong ko sa leeg niya.

"I'm sorry." Nilambingan ko ang boses ko.

"Tss. I love you, okay? Kung nagsisisi man ako, edi sana hinayaan na lang kita dito at nagpakalayo-layo na ako. Iiwan kita dito. Iiwan ko kayo ng anak ko. Pero hindi ako gago, Audie. Hindi ako ganoong klaseng lalaki."

Idinikit ko pa ang sarili ko sa kanya.

"Hindi ko naman iniisip na ganoon kang lalaki."

"Pero dahil sa tanong mo, parang ganoon na ang dating sa akin non. Hindi ko kayo iiwan at kailanman hindi ako mag-sisisi na ikaw ang napangasawa ko. Pangarap kita at ngayong naabot na kita, sobrang saya sa pakiramdam. Ikaw lang 'yung babaeng tinitingala ko noon na para bang butuin at pakiramdam ko noon hindi kita makukuha pero ngayon, nandito ka sa tabi ko at asawa ko na."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 22, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Take Her To The Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon