Lovely pov.
Papunta kami ngayon sa may gym. Pinapatawag daw kasi lahat ng mga junior at senior na gustong sumali sa sayaw.
At dahil mahilig kaming magkakaibigan na sumayaw kaya kami naririto.
"Excited na ako. Biruin mo makakasama natin ang mga senior. Naku mga best balita ko maraming gwapo na transferee" kinikilig na kwento ni Lorna.
"Hayy naku. Basta talaga gwapo ang bilis,bilis mo" sabi naman ni Mariza ng naka-ngiti.
"As if naman di ka nagagwapuhan don kay Justine na bagong lipat din" tudyo naman nito.
Bigla namang namula si Mariza.
"Hayy naku,tumigil na nga kayong dalawa. Puro kayo gwapo-------Ayy gwapo" bigla nalang nasabi ko nang tumama nanaman ako sa isang katawan.
Mabilis naman ang kamay ng taong nabangga ko sa pagsalo sa akin.
Woah,muntik na ako doon ah.
"Salama........IKAW?" Magpapasalamat na nga sana ako nang makita ko kung sino ang taong nakasalo at nakabangga ko.
"Ohh its you again.....butiki"
Ohh no.
Sya nanaman?
Destiny,may galit ka ba sa akin?
"Shut up,taba" gigil na sabi ko sa kanya.
Pero bigla nya akong hinapit para mas mapalapit pa ako ng husto sa kanya nya.
"Baka naman gusto mo ulit makita ang sinasabi mong taba? Sabihin mo lang baby,ipapakita ko sayo nang buong puso" bulong nya sa akin.
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya. At dahil sa pagkabigla ko,tinulak ko sya ng malakas.
Pero dahil na sa hapit parin ako ng kamay nya,nasama akong bumagsak sa kanya.
At ang pinaka-masamang eksena,ako ang nakapatong sa kanya.
"Ohh babe. Ohhh,ohh" ungol ng unggoy.
Bwesit na to.
Tumayo agad ako. Bukod sa naka agaw na kami ng atensyon.
Pangit talaga ang posisyon namin. Shit nakakahiya na nga,umungol pa sya.
Inirapan ko sya bago ko iniwan. Dumeretso na ako sa gym.
Sumunod naman ang dalawakong kaibigan.
"Wait,wait a minute" habol ng dalawa sa akin.
Alam na this.
Nang maabutan nila ako. Katakot-takot ang mga tanong nila sa akin,na sinagot ko naman.
"What? Sya yong tinutukoy mong mataba na naka away mo noong isang linggo?" Ekseheradang tanong ni Lorna,matapos akong magkwento ng buong pangyayari.