Jordan pov.
Maaga akong pumasok ngayon.
Mag kokopya pa kasi ako ng assignment kay Raymond. Nakalimutan ko kasi.
Ok fine,hindi ko talaga ginawa kagabi. Hindi kasi ako nakapag fucos sa dami ng iniisip ko.
Sa kamamadali kong makapasok ng gate,may nabangga nanaman ako.
Bakit ba ang swerte kong bumangga?
"Sorry----ohh its you again Love----ly" may pang aasar na banggit ko sa pangalan nya.
"Hindi mag kahiwalay ang pangalan ko. At bakit ba lagi ka nalang bumabangga? Malabo na ba ang mata mo?"
"Nope. Hindi naman malabo,di ka lang talaga kapansin-pansin dahil sa payat mo" dagdag ko pang pangangasar.
Lalo naman itong nainis sa akin dahil sa sinabi ko.
Uyy galit na si butiki.
"Bwesit" inis nanaman nyang sabi.
"Sus,as if naman na di ko alam na may gusto ka sa akin kaya lagi mo akong binabangga" what the?
Anong katangahan ang pumasok sa utak mo Jordan at nasabi mo yon?
Well nasabi ko na,hindi ko na babawiin. Iisipin naman nyang inaasar mo lang sya.
Mukha namang syang nabiglq dahil sa tanong kong yon,ngunit nang nakabawi sya. Humagalpak lang naman sya ng tawa.
"Ako? May gusto sa isang tabang gaya mo?" Patuloy pa rin syang tumatawa.
"Bakit hindi nga ba Love...ly?" May pang aakit kong tanong.
Bigla syang nagseryuso.
"Sorry to say this,pero hindi kita type" prangkang sabi nya sa akin.
Owkie? But what was that? Bakit ako nakaramdam ng kirot dahil sa naging sagot nya?
Pagtingin ko sa kanya wala na sa akin ang atensyon nya kundi sa dalawang taong paparating.
Mariza and Raymond.
Di ko naiwasan ang pagtaas ng kilay ko.
Si Raymond ba ang type nya?
"May gusto ka ba kay Raymond?" Biglang natanong ko.
Tiningnan nya ako ng masama.
"Wala kang paki alam" tanging sagot nya,bago ako iniwan.
Hayy. Mukhang si Raymond nga. Well ok,di sya na.
"Hey bro ang aga mo ah?" Sabi ni Raymond ng makalapit sya sa akin.
Pinilit kong ngumiti at maging masigla.
"Oo,mangongopya kasi ako ng assignment sayo" bago ko binuntutan ng tawa.
Maging si Mariza natawa na.
"Gago ka bro. Kokopyahin ko rin nga sana ang assignment mo kasi hindi ko nagawa"bulong nya sa akin.