Lovely pov.
Maaga akong pumsok sa trabaho ko. Ayaw ko kasing magpang-abot pa kami ni Mama dahil alam kong marami pa rin syang tanong na ayaw ko namang sagutin.
Pero kilala ko sya,hindi sya titigil hanggat hindi nya malaman ang totoo. At hindi pa ako handang sagutin yon ngayon.
Napataas ang kilay ko nang humahangos na pumasok sa opisina si Lorna.
''Anyari sayo Lorna?''takang tanong ko.
''Best may na-close akong deal. And guess what,simula ngayon dito na sila kukuha ng mga magiging uniform nila''masayang sabi nya.
''Talaga? Wow''tanging nasabi ko.
''Yes at alam mo bang malaking companya ang tinutukoy ko? May sister companya din sila na dito na rin kukuha ng uniform. Kaya kung ako sayo,magsisimula na akong maghanap ng ibang emleyado kasi mahihirapan tayo kung tayo lang''tuwang-tuwang sabi nya.
Sige mamaya maglalagay na ako ng hiring''excited na sabi ko.
Naging busy na kami ulit dalawa matapos yon.
Naisipan ko naman ang ilang kamag-anak namin na walang trabaho. Kaya sa halip na maglagay ako ng iba,yong mga kamag-anak ko nalang. May magiging empleyado na kaming sigurado akong mapagkakatiwalaan,nakatulong pa ako sa kanila.
>>>>>>>>
Jordan pov.
Naging busy ako ngayong araw dahil sa trabaho. Pero di tulad ng mga nakaraang taon,masaya akong nagtatrabaho ngayon. Dahil simula ngayon makakatrabaho ko na sila Lovely.
Oo ako ang nag invest sa tailoring shop nila Lovely. Gusto ko kasi silang tulungan upang mapalago nila ang tailoring shop nila.
''Hey bro''biglang pasok ni Raymond sa opisina ko na pumutol sa pag-iisip ko.
''Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?''natatawang tanong ko sa kanya.
Napasimangot naman ito.
''Ang sama mo sa akin. Samantalang ako ang tanungan mo dati kung ano na ang nangyayari sa mahal mo. At ipapaalala ko lang na ako rin ang inutusan mo na bantaan lahat ng magtatakang manligaw kay Lovely noon''ngising sabi nya.
Natawa ako dahil sa sinabi nya. Talagang pina-alala nya ang mga inutos ko sa kanya.
Totoo yon kahit na malayo ako sa kanya,alam ko ang lahat ng mga nangyayari at ginagawa ni Lovely dahil kay Raymond. Ganon ko sya kamahal.
Naging mahina lang ako noong mga panahong yon. Kaya sa halip na harapin sya,pili kong lumayo at hinarap ng mag-isa ang problema ko. Pero ngayon hindi na. Lahat gagawin ko para sa kanya. Babawi ako.
''Anong kailangan mo?"natatawang tanong ko nalang.
Sya naman ngayon ang ngumisi.
''Bukas na kasi ang kasal ko at may last minute na nabago. Sa halip na si Ronnie,ikaw na ang best man ko''
''What? Wala na bang iba? Alam mo naman na ayaw ko''hindi naman sa nag iinarti pero ewan ba ayaw ko sa mga ganon.
''Ohh sayang naman. Kanino ko kaya ipapartner si Lovely''parinig nya.