Lovely pov.
Naka-hingi na ng tawad sa akin ang dalawa kong kaibigan dahil sa nangyaring yon. Inamin din naman nila na siasadya daw talaga nila. Pero mali parin.
At dahil nga partner na namin si Jordan,araw-araw na syang naririto. Ang nakaka-inis lang wala naman syang ginagawa dito kundi titigan ako buong maghapon.
''Di ka ba nagsasawa?''tanong ko sa kanya ng hindi tumitingin.
''Ako ba ang kina-kausap mo?''gulat na tanong nya.
Napa-ikot ang mata ko sa inis,bago ko sya tiningnan nang pairap.
''May nakikita ka bang ibang tao dito maliban sa ating dalawa?''bwesit na tanong ko sa kanya.
Wala kasi ang dalawa. Maliban kay Mariza na nasa honeymoon pa rin,umalis naman si Lorna. May meeting kasing dadaluhan bago tutuloy na sya sa weeding planner nila ni Ronnie.
Ngumiti ng pagkalawak-lawak si Jordan na ikinataas ng kilay ko.
''Anong nakaka-ngiti?'tanong ko na nakataas parin ang kilay.
''Ikaw. Sa isang linggo ko kasi dito nagyon mo lang ako kina-usap''mukhang tanga pa rin nyang sabi.
''Wala lang akong choice,wala mga kaibigan ko eh. Isa pa mukha ka ng tanga dyan"kunwari ay balewalang sagot ko.
"Ok lang naman magmukhang tanga,kung ikaw naman ang dahilan"
Inirapan ko nalang sya.
Bwesit ang aga-aga mukhang babanatan ako.
''Lovely''rinig kong tawag nya sa akin.
''Ano?''
''Alam mo ba na kapag magiging parte ka ng hospital. Isa kang life support?''
Doon napataas ang tingin ko sa kanya. At ano naman ang kinalaman ko sa hospital?
''Bakit?''nagtatakang tanong ko.
''Ikaw ang life support,kasi ikaw nalang ang dahilan kung bakit ako humihinga at kung bakit ako nabubuhay sa mundong to. Kaya pag nawala ka,mamatay na rin ako"titig na titig na sabi nya sa akin.
Shit,gusto ko syang barahin. Pero walang lumabas na salita sa bibig ko. At ang letseng pusong ito,tumibok nanaman para sa kanya.
''Mahal kita Lovely. Mahal na mahal parin kita"sabi nya pa sa akin.
Ngayon ko lang din napansin ang lapit na pala namin sa isat-isa.
Kahit nahihirapan ako dahil sa letseng pusong ito na naniniwala nanaman dahil sa sinabi nya,nakuha ko pa ring magsalita.
![](https://img.wattpad.com/cover/152756013-288-k152673.jpg)