Lovely pov.
Isang linggo.
Isang linggo na ang nakakaraan mula ng mangyari ang halikan na yon sa kasal ni Mariza. Pero hanggang ngayon lagi pa rin akong ginugulo ng ala-alang yon.
Nang bitawan nya kasi ako nang oras na yon ay iniwan ko na sya. Hindi ko na rin nagawang makapag paalam sa mga kaibigan ko.
Hinabol din ako ni Jordan ng time na yon,pero hindi nya ako naabutan dahil agad din akong nakasakay sa taxi.
Buti nalang din na sa loob ng isang linggong yon hindi nya ako ginulo dito sa trabaho ko. Masyado akong busy para paki-harapan ang mga taong wala ng halaga. Sa madaling salita,walang kwenta.
''Best ikaw na nga pala ang makikipagkita sa kliyente natin mamaya. May pupuntahan kasi kami ni Ronnie''ani Lorna.
Dalawa lang kasi kami ngayon ang nandito,nasa honeymoon pa si Mariza.
''Ok. Teka sino nga ba ulit yong kliyente natin?''hindi ko na kasi nabasa ang mga papeles nya,kaya hindi ko alam ang name.
Naging malikot ang mga mata ni Lorna dahil sa tanong ko,kaya hindi ko naiwasan ang pagtaas ng kilay.
May mali.
''May problema ba Lorna?''
''Naku wala noh,basta mamaya pupunta nalang yon dito. Mga 3 ng hapon. Aalis na kasi ako ng 12 sabay na kaming kakain ng tanghalian ni Ronnie''sagot nyang hindi makatingin sa akin.
''Weird mo alam mo ba yon?''hindi ko napigilang komento sa kanya.
Tumawa sya ng mahina.
''Ano ka ba. Di ba pwedeng na-eexcite lang ako. Well alam mo naman na lagi akong nae-excite pag magkikita kami ng soon to be husband ko''nagning-ning ang mata nya ng banggitin nya ang nalalapit nyang pag-aasawa.
Hayy,buti pa silang dalawa may happy ending na,ako kaya?
Napansin ata ni Lorna ang pananahimik ko,kaya agad itong lumapit sa akin.
''Best,subukan mo kayang buksan na ulit yong puso mo? Masyado ng matagal na panahon ang nakalipas,patawarin mo na sya''
''Matagal ko nansyang napatawad. Hindi naman nya kasalanan ang nangyari sa kanya. Hindi makitid ang utak ko dun. Pero hindi porke napatawad ko na sya ay babalik ang dating kami. Oo alam kong single sya,so what. Wala na,hindi na mababalik pa ang nakaraan at wala akong planong makipagbalikan muli sa kanya"mahabang litanya ko.