8

964 86 12
                                    

Lovely pov.

Ilang buwan na rin ang nakalipas,ngunit patuloy pa rin ang relasyon namin 'kuno' ni Jordan.

Aaminin ko naging masaya ako sa mga panahong yon. At inamin ko na rin sa mg kaibigan ko na mahal ko na sya.

Pero syempre pinaki-usapan ko silang ako nalang ang bahalang magsabi sa kanya.

At ngayon ang araw na yon.

''Morning Love ko''masayang bati nya.

Ang sabi nya pangalan o lang daw yon,pero duda ako. Palagay ko yonnalang talaga ang pinili nyang endearment sa akin.

At gaya ng dati may dala nanaman syang bulaklak.

At gaya ng dati may dala nanaman syang bulaklak

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

''Thank you Jordan ko"

Nakita kong nanlaki ang mata nya dahil sa sinabi ko.

''Ano kamo?''

''Thank you Jordan ko"naka-ngiti kong pag-uulit sa sinabi ko.

"Ibig sabihin ba nito,mahal mo na rin ako?''puno ng pag-asang tanong nya.

"Mahal na rin?''pang titrip ko pa sa kanya.

Minsan na nya akong nasabihan ng tatlong salitang yon,pero hindi na nya inulit.

''Oo 'rin' kasi mahal na mahal kita"

"Mahal na mahal din naman kita eh"

"YES narinig nyo yon? Mahal din daw nya ako"sigaw pa nya.

Niyakap nya ako ng mahigpit bago binuhat. Nagpaikot-ikot kami.

"Tama na Jordan ko,nahihilo na ako"paki-usap ko sa kanya.

Sinunod naman nya agad.

Laking gulat ko ng bigla nalang nya akong hinalikan,smack lang naman. Pero kahit na ang dami kayang taong nakaka-kita.

"Pinapangako ko Love. Hinding-hindi ka magsisisi na minahal mo na rin ako''buong pagsuyong sabi nya.

Ngiti lang ang isinagot ko sa kanya.

.

.

Naging mas malambing si Jordan sa akin mula noon. At mas naging possessive at territorial sya. Ok lang naman sa akin yon. Ewan ko nga ba pero mas kinikilig ako pag ganoon na sya sa akin.

''Hoy''pagpitik ni Lorna sa noo ko.

''Bakit?''naka-ngiti kong tanong.

''Ayy oh? Ganyan na ba nagagawa ng in love?''pang bubuska sa kin ni Mariza.

''Ayy sus tigilan nyo nga ako. Kayo din naman ganito ah"

"Mas malala ka kaya"pinagtulungan pa nila akong tuksuhin.

"Teka nga,ano ba yong sasabihin nyo?''takang tanong ko.

''Itatanong lang namin kung hindi ka ba kinakabahan para bukas?''

"Anong hindi kinakabahan kaya ako,pero hindi ko lang masyadong iniisip. Lalo lang kasi akong kakabahan"sagot ko.

Bukas na kasi ang contest ng sayaw. Sana lang kahit maka runner lang kami.

Hindi naman sa ayaw kong manalo,pero kasi alam kong mas magagaling ang mga taga ibang school. Kaya ok na kung second place lang kami,kesa naman kulilat.

"Bakit,mukhang problemado nanaman ang Love ko?'lambing ng bagong dating.

"Naku-naku Jordan,nag-uumpisa nanaman yang kasweetan mo''pang bubuska nanaman ng mga ito.

''Inggit lang kayo,mamaya nandito na rin mga syota nyo. Kaya huwag na kayong mainggit"patol naman ng isang ito.

"Heee hindi kami naiingit no. Tara na nga Mariza,hayaan mo nalang natin yang lovers na yan. Ngayon lang magiging ganyan yan,paano ang tagal naging pakipot at in denial"parinig pa nya.

Nagkatawanan nalang kami sa tinuran nya.

Loko talaga eh,mambuking ba?

Nang maka-alis ang dalawa,niyakap na ako ni Jordan at hinalikan sa labi.

''Hayy salamat nawala na ang mga storbo''bulong nya pa.

''Loko ka talaga marinig ka ng dalawang yon eh''

''Hayaan mo na sila. Totoo namang storbo sila sa atin eh. Ang bango naman ng Love ko"sabay halik nya sa leeg ko.

"Isa Jordan ano ba,daming tao oh. Mahiya ka nga"

Totoo yon ang dami kayang taong nakakakita sa amin.

''Hayaan mo sila,at least ngayon alam nilang sa akin ka na"sagot pa rin nya at patuloy ang paghalik sa balikat ko.

Hayy,si Jordan ay si Jordan. Kahit pagbawalan ko ito itutuloy at itutuloy pa rin nya.









A/N

Isang lame na u.d muna mga bakla,naubos ata ang energy ko doon sa dalawang story eh.hahahaha

You Are The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon