Lovely pov.
Walang araw na hindi pinaramdam sa akin ni Jordan na mahal nya ako.
At aaminin ko sa bawat araw na yon masaya ako,kinilig ako. Ang totoo nyan mahal ko na rin sya.
Well,sino bang hindi maiinlove sa isang katulad nya?
Lahat na ata ng katangiang hahanapin mo sa isang lalaki nasa kanya na.
Hindi ko pa sinabi sa kanyang mahal ko na sya,kasi hindi rin naman nya ako sinasabihan ng tatlong salitang matagal ko na ring hinihintay. Saka na nya malalaman na mahal ko sya,kapag nasabi na rin nya ang tatlong katagang iyon.
''Mga best''pasigaw na tawag sa amin ni Lorna.
''May sunog ba best'?''pang iinis naman ni Mariza.
Tsk,napa-iling nalang ako. Minsan talaga puro kalokohan ang pumapasok sa isip ni Mariza.
Pero base sa mukha ni Lorna,alam kong masaya sya.
At kinikilig?
''Ok lang yang pang aasar mo best. Hindi nyan masisira ang magandang mood ko''kinikilig na sabi nya.
''Ano nga ba ang nagpaganda ng mood mo?''curios kong tanong.
Tumili muna sya bago sumagot.
''Guys kami na ni Ronnie. Sinagot ko na sya kahapon''imporma nya.
''Congrats sabi ko sa kanya. Masaya akong nakikita kang ganyang kasaya''
''Aww na touch naman ako best''sabi nya sa akin bago ako niyakap.
'Ehhhrm ako ba hindi nyo babatiin?''biglang sabi ni Mariza.
''Bakit kayo na rin ba ni Raymond?''parang baliwalang tanong ko.
''Yes,kanina lang din''what?
Grabi huh,magkakaibigan din?
"Talaga? Wow congrats sa ating tatlo,may mga happy love life tayo"masayang sabi ni Lorna,
Hindi ako naka imik. Masaya naman ako,pero mas sasaya ako kung maririnig ko na ang tatlong salitang yon.
Napansin ata ng dalawa na nawalan ako ng imik,kaya nila ako nilapitan.
"Ikaw best? Ano ng status nyo ni Jordan?"ani Mariza.
Bumuntong hininga ako.
"Ewan ko ba. Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako sa kanya eh"
"Ikaw? Ano na ba sya sayo?"
Umilap ang tingin ko sa kanila. Oo mga kaibigan ko sila,pero hindi naman pwede na lahat alam nila noh.