10 PRESENT TIME

1.1K 91 48
                                    

Guy's yong mga nakaraang chapter po ay nakaraan nilang dalawa. Bali nasa present time na tayo.

Lovely pov.

Tambak ang trabaho ngayon sa tailoring shop na itinayo naming tatlong magkakaibigan. Pare-pareho kasi kaming mahihilig sa damit,kaya nang maka-graduate kami naisipan namin ipatayo to.

Hindi naging madali ang pagsisimula namin. Hindi naman kasi kami humingi sa mga magulang namin para ipagpuhunan dito. Nagsariling sikap muna kami at nang makaipon na saka naitayo ito. Kami lang din ang nagtatahi ng mga damit at naghahanap ng maaring costumer. Multitasking kung baga.

Pero kahit mahirap masaya kami. Ganon naman talaga siguro na kapag gusto mo kahit na nahihirapn ka magiging masaya ka.

Naukaw ang pag iisip ko ng biglang bumukas ang pintuan.

Napataas pa ang kilay ko ng makita ko si Lorna na parang hindi mapakali. Namumutla rin ito nang pumasok sa nagsisilbing opisina namin.

''Best okey ka lang ba?''tanong ko agad sa kanya.

Lumapit ako sa kanya at inabutan ko na rin sya ng tubig.

Tiningnan nya muna ako ng matiim,bago sya nagsalita.

''I saw him''aniya.

''Who?''pagtatakang tanong ko sa kanya.

''Jordan"pagka-rinig ko palang ng pangalan na iyon ang lakas na ng kabog ng dibdib ko.

Shit. It's been seven years since the last time i saw him. Yon ay yung nalaman kong may fiance na sya. Matapos kasi non hindi na sya nagpakita pa sa amin. Kaya inisip nalang namin na ikinasal na sila at nag-fucos sa buhay may asawa.

Pero itong letseng pusong ito,pangalan palang ang narinig kumabog na ng husto.

Hindi ako nakapag-salita agad ng sabihin nya yon. Naramdaman ko namang hinawakan ni Lorna ang kamay ko.

''Mahal mo pa rin ba?''tanong nya.

Alam kasing nilang dalawa na sobra akong nahirapan ng maghiwalay kami at hindi na rin ako pumasok pa sa isang relasyon. Saksi rin ang mga boyfriend nila sa pinagdaanan kong hirap para lang mairaos ang araw-araw na wala sya.

''Hindi na noh''pilit na ngiting sabi ko.

Peneke ko pa ang pagtawa ko pero tinitigan nya ako sa mata. Kaya napaiwas ako.

''Best matagal na tayong magkaibigan. Kaya alam ko kung nagsasabi ka ng totoo o hindi''

Huminga ako ng malalim bago ko sya sinagot.

''Kahit na sabihin kong mahal ko pa rin sya o hindi na,wala ng magbabago. Kasal na sya at masaya na sila''may pait kong sabi sa kanya.

''Paano kung hindi? Paano kung hindi sya masaya sa buhay na meron sya?''naninimbang na tanong nya sa akin.

''Wala na akong paki-alam don. Kasalanan nya na yon. Teka nga best,huwag mo na ngang binabanggit ang mga taong hindi naman importante''sabi ko sa kanya at bumalik na ko sa kaninang ginagawa ko.

Tiningnan lang nya ako ng parang nakikisimpatya. Nagpapasalamat ako at hindi na nya ako tinanong pa.

Jordan. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa ginawa mo sa akin. Pitong taon. Pitong taon na ang nakalipas pero sariwa pa rin sa akin ang lahat. At ang sakit-sakit pa rin.

Marami akong gustong itanong sayo. Kung bakit mo nagawa sa akin to. Kung kulang ba ako sayo.

Pero para lang yon sa closure. Wala na akong plano pang magpakatanga sayo.

,

Natapos ang maghapon ng hindi na kami nakapag-usap dalawa. Tutok na kasi sa mga trabaho dahil may minamadali kaming uniform para sa basketball sa plaza.

Wala din kasi si Mariza,busy sya sa pag aayos sa nalalapit na kasal nila ni Raymond. Maging si Lorna ay ikakasal na rin,pero sa isang taon pa yon.

Hayy buti pa silang dalawa ikakasal na,samantalang ako.

Ahh never mind.

''Oh anak nariyan ka na pala''ani Mama ng maka-pasok ako sa bahay.

Nagmano lang ako.

''Akyat na muna ako Ma''paalam ko sa kanya.

''Sige magpahinga ka na anak tatawagin nalang kita pag magha-hapunan na"sabi nya sa akin. Tumango lang ako bilang sagot. Paakyat na sana ako sa hagdan ng magsalita ulit sya.

''Ay sya nga pala bago ko makalimutan,may pumuntang lalaki dito kanina hinahanap ka''

''Sino ho?''

''Parang George yata ang pangalan nya. Ahh alam ko na Jordan. Oo Jordan daw ang pangalan nya''nanlaki ang mata ko nang sabihin ni Mama yon.

Anong ginagawa ng gagong lalaking yon dito. At bakit naman nya ako hina-hanap.?

''Ma,sa susunod na pupunta dito yong lalaking yon,ipahabol nyo sa aso''sabi ko nalang.

Hindi ko na hinintay pang makapagsalita si Mama,umakyat na ako. Alam ko nagtataka si mama at maraming gustong itanong,pero wala akong balak sagutin yon kaya mas mainam ng pumasok na ako at magkulong sa kwarto.

>>>>>

Jordan pov.

Pitong taon na ang nakalipas nang pinili kong lumayo nalang muna sa kanya.

Pero hindi ako nagpakasal kay Cindy. Umalis ako para humanap ng solusyon sa problema sa companya namin. Mas pinili kong lumayo kesa maka-kulong sa panghabang buhay na kasama ang babaeng kinamumuhian ko.

At makalipas nga ng ilang taon nagawa kong iahon muli ang companya namin. Hindi ko kinailangan ang tulong ng pamilya ni Cindy. Pumunta ako sa ibang bansa para humanap ng mag i-invest sa company namin. At sa awa ng dyos,marami naman ang nag invest.

Ang totoo noong isang taon ko pa naayos ang lahat ng problema. Kaya lang naghintay pa ako ng isa pang taon bago ko sya muling harapin.

Ngayon kasi masasabi ko ng buo ako at kaya ko na syang pangatawanan.

Hindi ko kasi sya naipaglaban noon at mas pinili kong masaktan kaming dalawa,pero para rin naman sa amin yon.

Hindi ko sasayangin ang mga panahong nawala sa amin para lang masaktan sya ulit.

Simula ngayon gagawin ko na ang lahat para muli nya akong tanggapin sa buhay nya.

Sana nga lang tanggapin nya akong muli.

Sana

You Are The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon