Lovely pov.
Grabi ang cute nung baby nila Charie at kambal pa.
Lalaki at babae ang kambal nila na bihira lang mangyari kaya nakakatuwa.
Hayy nakaka-inggit naman yon. Sana ako rin magkaroon ng kambal na anak.
''Uy si ate Love nai-inggit sa baby namin. Gawa ka na rin''pang aalaska sa akin ng pinsan ko.
''Haha nakakatawa''note the sarcasm.
Tinawanan lang nila ako ni Charie.
''Oo nga naman ate,dapat magka-baby ka na rin. Naunahan ka tuloy namin''ani Charie.
''Babe paano magkaka-baby si ate Lovely eh manhater sya''natatawang sabi ng magaling kong pinsan.
Binatukan ko nga. Lokong batang to nanahimik ako tapos mang-aasar pa.
Lalo lang silang natawa dahil sa pag batok ko sa pinsan ko. Hanggang sa magseryuso na sya.
''Di nga ate. Subukan mo na kayang buksan ulit ang puso mo. Hindi ka na bumabata,mahirap tumanda ng mag-isa''seryusong sabi nya.
Sa lahat ng pinsan ko sya lang ang may alam ng nangyari sa akin. Bukod sa mga barkada ko. Isa sya sa mga sandigan ko.
''Alam ko yon. Pero nandyan naman kayo''pilit ngiting sabi ko.
''Ate iba pag sarili mong anak ang magiging kasama mo sa pagtanda. Oo nandito lang kami para sayo,hindi ka namin iiwan. Pero ayaw mo bang magkaroon ng sarili mong pamilya?''
''Gusto ko,pero hindi na muna siguro ngayon''
''Ikaw ang bahala teh,pero sana hindi pa huli ang lahat''maka-hulugang sabi ng pinsan ko.
Hindi pa nga ba huli ang lahat para sa akin?
Pagka-uwi ko ng apartment na inuupahan ay nagtaka ako kung bakit may ibang tao nang nakatira doon.
Ang sabi nila kanina lang silang umaga doon dahil u alis na daw ang dating nangungupahan. Pero hindi naman ako umalis. Kaya agad kong pinuntahan ang may-ari.
''Oh Lovely napadalaw ka. Ikaw huh ang tagal mo dito sa akin ngayon ko lang nalaman na may asawa ka na pala. At kaya ka lang pala nandito sa akin ay dahil nasa malayo sya nagtatrabaho. Ngayon na dumating na sya lilipat na kayo sa bahay na binili nyo''mahabang sabi nya.
