Lovely pov.
Kanina pa ako kinakabahan. Isang oras nalang kasi magsisimula na ang sayaw,ngunit wala pa rin si Jordan.
Nasaan na kaya ang lalaking yon?
"Best relax ka lang,darating yon noh''pagpapalakas loob sa akin ni Lorna.
Pinilit ko nalang ngumiti.
"Sana nga"mahinang sabi ko. Sya nalang kasi ang kulang.
Pero may tiwala naman ako sa kanya.
"Oo naman noh,hindi ka naman iiwan sa ere ng boyfriend mo"sabi pa ni Mariza.
Huminga nalang ako ng malalim at piping nagdasal na sana dumating na sya.
"Oh ayan na pala sya''rinig kong sabi ni Lorna.
Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko si Jordan,ngunit ganon nalang ang sakit na naramdaman ko ng makita kong hindi sya nag-iisa.
May kasama syang napaka-gandang babae na nakahawak sa braso nya.
''Sino yan?''bulong ni Lorna sa akin.
Nagkibit balikat na lang ako kasi maging ako,hindi ko kilala.
"Hi,pasensya na medyo natagalan kami"sabi ng babae kela Raymond.
So kilala sya nila Raymond?
"Hi''kiming bati naman nito sa amin.
Ngiti lang ang sagot namin.
''Ah Cindy,ano nga palang ginagawa mo dito?''tanong ni Ronnie.
Nanahimik naman kaming tatlo,naghihintay ng sagot.
Pero sa tuwing titignan ko si Jordan,ganon na lang kung iwasan nya ang mata ko.
Bakit ganito?
May nagawa ba akong kasalanan?
"Kasi susuportahan ko ang fiance ko"kinikilig na sabi nya.
Nagkatinginan kaming lahat.
Sino?
Hindi kaya?
Huwag naman sana.
Pero mukhang hindi ako pinakinggan ng langit.
"I'm Jordan's fiance"buong saya nyang sabi sa amin.
Lahat natahimik,lahat hindi nakapag-react.
Ramdam ko naman na hinahagod ng mga kaibigan ko ang likod ko.
Pero si Jordan?
Ayon ne di man lang ako magawang tingnan.
''Paano nangyari yon?''nagawa pang magtanong ni Raymond.
"Ahmmp,mahabang kwento"ngiting-ngiti pa nyang sabi.
Magtatanong pa sana si Raymond nang magpaalam ako.
''Restroom lang muna ako"hindi ko na sila hinintay pang sumagot. Dali-dali na akong tumakbo.
Habang tumatakbo ako,ramdam ko ang mga luhang pumapatak sa aking pisnge.
