END

1.8K 100 57
                                    

Lovely pov.

Hindi naging madali ang pagsasama namin ni Jordan bilang mag-asawa. Hindi rin naman kasi agad naalis ang takot sa puso ko na baka masaktan akong muli sa piling nya.

Magka-ganon pa man hindi sya sumuko sa akin. Pinakita nya sa akin ang pagsisi at wagas na pagmamahal nya sa akin.

Pinakinggan at naintindihan ko na rin sya kung bakit sya biglang nawala noon. Sinabi nyang mas mabuti na daw na lumayo at maghanap sya ng ibang makakatulong sa companya nila kesa magpakasal sa babaeng hindi naman nya minahal.

Kahit naman daw mahabang panahon ang lumipas na magkalayo kami,hindi naman daw ako nawala sa isip nya. Ako daw ang dahilan nya kung bakit nya pinilit maibangon ang sarili at kabuhayan nila.

Hindi rin naman nagtagal ay kinasal na kami sa simbahan. Kahit na legal yong papeles na napirmahan ko mas maganda parin daw na ikasal kami sa maayos na paraan.

At ngayon nga ay masaya na kaming nagsasamang dalawa.

Hindi man naalis ang tampuhan at away namin. Pero hindi na namin yon pinapatagal pa. At isa pa natural naman yon sa buhay mag-asawa.

Naging maganda na rin ang takbo ng negosyo namin. Hindi lang dito sa pinas,maging sa ibang bansa. Malaking tulong ang pag invest ni Jordan sa shop namin upang makilala.

Sa katunayan,may mga sikat narin artista ang nagpapasadya ng gown sa amin.

Masasabi kong wala na akong mahihiling pa sa buhay ko. Completo na ako. May asawa at may anak na kami.

Maraming pagsubok ang dumaan at nangyari sa relasyon namin.

Naghiwalay ng mahabang panahon. Hanggang sa pinagtagpo muli.

Tama nga ang sinabi ng ilan. Na kapag para sayo,para sayo. Dumaan man sa kahit anong dagok ng buhay paglalapitin at paglalapitin kayo ni tadhana.

''Bakit hindi ka pa natutulog? Anong iniisip mo?''tanong ni Jordan na ngayon ay nakayakap na sa akin.

Pareho kaming nakahiga sa kama. Alas onse na kasi ng gabi at hindi pa ako inaantok. Inaalala ko ang mga nangyari sa amin.

''Iniisip ko lang yong nakaraan natin''

''Bakit naman? Akala ko ba ayaw mo ng maalala ang nakaraan natin kasi nagdudulot lang sayo yon ng sakit?''naguguluhang tanong nya sa akin.

Minsan ko na kasing nasabi sa kanya na ayaw ko na ngang balikan yon. Pero nang mga panahong galit pa ako sa kanya noon.

'''Iniisip ko kasi na kung hindi nangyari sa atin ang lahat ng ganon,hindi tayo magiging matibay ngayon. Hindi naman na natin mabubura ang nakaraan. Kasama na yon sa buhay natin. Isa pa lahat ng tao nagkakamali. At yong maling yon ang magtuturo sa atin para matuto at maging matatag sa mga susunod pang panahon"

You Are The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon