4

1K 100 28
                                    

Lovely pov.

Kanina pa kami pinagtitinginan ni Jordan. Paano ba naman kasi,kanina pa kami pinapagalitan ng baklang instructor.

"My ghad. Mamumuti ang lahat ng buhok na meron ako dahil sa inyong dalawa. Ano ba? Kung may LQ kayo,stop nyo na muna. My ghad nakaka abala kayong dalawa" inikutan pa kami ng mata ni bakla.

"Sorry" magkasabay pa naming bigkas.

Paano ba naman kasi,dahil sa inis ko sa kanya,hindi ko makuha ang tamang step.

"Umupo nga muna ang iba. Kayong dalawa lang maiwan" ani ng bakla.

Nagsi-upuan naman ang iba. At gaya ng sabi ni bakla kaming dalawa lang ang nakatayo.

"Now. Magharap kayo"

Sinunod naman namin sya.

Inirapan ko si Jordan ng makita kong naka ngisi sya.

"Ang sabi ko magkaharap,hindi irapan" galit na sabi ng bakla.

Napayuko ako dahil sa hiya.

Nakita ko naman na nawala ang ngisi ni Jordan at pinukol ng masamang tingin ang nagtuturo. Buti nalang wala sa kanya ang atensyon nya,kundi mayayari kami.

Nagpatutog ang bakla.

Well pasensya sya wala ako sa mood ngayon kaya bakla tawag ko sa kanya.

"Ohh ngayon. Magkaharap kayo,simulan nyo na ang unang step"

Ginawa naman namin,ngunit sadya atang nawalan na kami ni Jordan ng gana. Kaya hindi namin maayos ng mabuti ang sayaw.

"Anak-nang. Ulitin nyo. Ayusin nyo,nakaka embyerna na kayo"gigil nya sa amin.

Shit naman. Sa buong buhay ko ngayon lang ako napahiya ng ganito.

Kung di lang talaga bwesit ang kapares ko.

Ahh ewan.

"Ganito. Magtitigan kayong dalawa" what?

Pucha naman ohh,ne hindi ko nga matignan tong unggoy na to,magtitigan pa kaya?.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Ayaw ko ng masigawan pa.

"Very good. Now isipin nyong kayong dalawa lang ang tao dito"

Paano ko maiisip yon kung bunganga ka ng bunganga?

Dagdag ng isip ko,pero nunkang sabihin ko yon. Baka sipain nya lang ako.

"Now Jordan isipin mo na si Lovely ang pinaka magandang babae sa buong mundo,syempre ganon ka rin Lovely"

Buti nalang talaga napigilan ko ang matawa.

Bushak,isipin ko daw na si Jordan ang pinaka magandang babae. Di ka ba mabubuang?

You Are The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon