Lovely pov.
Mula ng mangyari ang halikan scene na iyon,naging awkward na para sa akin pag nakikita o nakakasama ko si Jordan.
Pero hindi ko maikakaila rin sa sarili ko na malaki ang kasalanan ko kung bakit nga ba nangyari ang halikang iyon.
Naikwento ko na rin sa mga kaibigan ko ang nangyari,as in lahat. Noong una natahimik lang sila at di makapaniwala. Pero nang makabawi,kilig na kilig ang mga bruha.
Ngayon nga'y muli nanamang magpa-practice.
Sabado ngayon kaya kahit anong suutin pwede.
Napili kong suutin ang isang simpleng dress, bulaklaking off shoulder. Hindi umabot sa tuhod ko yong dulo,pero hindi namang maiksi. Tama lang.
Pagkarating ko sa plaza kung saan kami magpa-practice,lahat ng mga mata sa akin nakatuon.
Ehh? Anong meron?
Hindi ko sila pinansin,dumiretso lang ako sa grupo nila Mariza. Kasama na nila mga partner nila,at syempre nandon na rin si Jordan na matiim na nakatingin sa akin.
Ewan ko lang huh. Pero parang may iba sa tingin nya na hindi ko maintindihan.
Muli ko itong hindi pinansin. Tumabi ako kay Lorna. Napagitnaan nila ako ni Mariza.
"You know what best,ang ganda mo ngayon" ani Lorna.
"At blooming pa" dagdag naman ni Mariza.
"Baka naman inlove" sagot naman ni Ronnie.
"At alam ko kung kanino" si Raymond naman.
Walang hiya kauupo ko lang di ba? Bakit ako na agad ang topic?
"Porke ba nagsuot ng dress,inlove na? Hindi ba pwedeng trip ko lang?"
"Weeeh,kilala ka kaya namin ni Lorna,hindi ka nagsusuot ng ganyan" may halong panunuksong sabi ni Mariza.
Inirapan ko ito.
Paano ba naman kasi natamaan ako sa sinabi nya.
Hindi ko rin naman maintindihan ang sarili ko kung bakit ito ang sinuot ko.
"Kanino ka inlove?" Biglang tanong ng kaninang nanahimik na si Jordan.
Natuon naman ang tingin ng lahat sa kanya. Madilim kasi ang aura nya.
"Ang kulit lang? Wala nga di ba" tumayo ako at akmang aalis.
Pero nahawakan nya ang braso ko.
"Saan ka pupunta?" Tanong nya.
"Magpapalit ng damit. Masyadong malaking issue para sa inyo ang pagsuot ko ng damit na ganito" pairap na sagot ko.
Huminga sya ng malalim.
"Hindi na. Huwag ka nalang lumayo sa amin. Baka makapatay pa ako ng di oras" what? Bakit?