Lovely pov.
Unang araw ngayon ng klase namin.
Nasa 3rd year na ako ngayon.
Sa nakaraang taon ko dito sa school ay naging maganda at tahimik ang buhay ko.
Sana sa susunod pang-
"Aray" daing ko matapos kong bumagsak.
Bumangga kasi ako. At nang tingnan ko kung saan ako bumangga.
Sa isang lalaking ngayon ko lang nakita.
"Tsk. Ang lampa mo naman? Well ang payat mo kasi,kumain ka ng marami huh?" Mapang asar pang sabi nito sa akin.
Anaknang? Hindi na nga ako tinulungang tumayo,pinintasan pa ang katawan ko.
"Hoy ang lakas mong makalait. Akala mo kung sino kang gwapong unggoy ka" gigil ko sa kanya.
Nakatayo na rin ako. Pero ang sakit talaga ng puwet ko.
Buti nalang walang nakakita ng pagbagsak ko,nakakahiya kaya yon. At siguradong kakalat sa school. Dami pa naman tsismosa dito.
"Gwapo naman talaga ako. Wala kaya sa lahi namin ang pangit" pagyayabang nya pa.
"Wow huh. Ang lakas ng hangin signal number 5 ang peg? Kung wala sa lahi nyo ang pangit,malamang hindi ka tunay na kapamilya" inis paring sabi ko sa kanya.
Ang kanina'y ngisi sa kanyang mukha,biglang nagdilim.
"Hoy babaeng butiki,pag ako tuluyang napikon sayo makikita mo talaga" galit na nyang sabi sa akin.
"Sus alin ang makikita ko? Yang taba mo?"
"Taba? What the hell"
"Yes taba. Kaya nga nag bounce lang ako sayo ng magka-banggaan tayo"
Biglang nanaman syang ngumisi sa akin.
Yong totoo,may saltik ba itong lalaking to?
"Taba? Wala akong taba butiki" sabay taas nya ng t-shirt nya.
Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa nya.
Shit.
Agad akong tumalikod sa kanya. Nakaka scandalo eh.
"Anong ginagawa mo?"
"Pinapakita ko lang sayo ang kaibahan ng abs sa taba. Tingnan mo na baby,common" parang nang aakit na sabi nya sa akin.
Hindi ako tumitingin sa kanya hanggang ngayon.
Nagbibilang ako ng hanggang sampo,pinapahupa ko lang ang inis ko bago ako aalis. Pero nasa 7 palang ako nag bigla syang pumunta sa harapan ko.