PINITIK NI CM ang ng ilang beses ang dalawang daliri nito malapit sa mga mata ni Nathalie. Napakurap ang dalaga. Dahilan napabalik siya sa kasulukuyan mula sa kanyang pagbabalik tanaw sa nakaraan.
“Welcome back, Princes,” nakangiti sabi ni CM. Binuka pa nito ang dalawang braso upang i-welcome hug ang dalaga.
Matipid siyang ngumiti. “Thank you. “Hindi niya pinansin ang pag-welcome hug nito. “Nasaan sila Mommy at Daddy? Why are you here?” sunod-sunod na tanong niya.
Pasimple naman binababa ni CM ang mga braso nito, saka pinagsikop sa harap sa dibdib niya banda.
“Your Dad’s not feeling well.” Anito lumapit pa ito sa kinatatayuan niya, saka ginulo ang buhok ni Nathalie.
“Ano ba! Ginugulo mo lang ‘yong hairdo ko,” kunwari ay reklamo niya.
“Wow, your taller now than before.” Si CM na tumabi ng pagkakatayo sa dalaga.
Malalapad na ngiti ang pinaskil ni Nathalie sa kanyang mga labi. “Siguro naman papakasalan mo na ako, Im taller now.” Pagbibiro niya. Nagawa pa niyang magbiro.
Alanganin ngumiti si CM, tila hindi mapakali. Iyong usual expression nito. “Let's go.” Yakag nito sa halip na sagutin ang sinabi ng dalaga.
“Where’s your car?” Tanong ni Nathalie nagpatiuna na itong lumakad dito.
Hindi nakasagot si CM, nang may biglang yumakap na babae sa binata pagkatapos niyon ay siniil nito ng halik sa mga labi si CM.
Napalingon si Nathalie sa likuran niya banda nang hindi niya naririnig na sumagot si CM sa kanyang tanong. Nakikita ng dalawang mga mata niya na nakikipaghalikan ito sa babae na tinalo pa ang linta kung makakapit sa katawan ng binata.
Naiinis na umalis si Nathalie. Hindi niya na hinintay na matapos sa pakikipaghalikan ang binata sumundo kuno sa kanya. Ayon nasasarapan yata sa pakikipag-espadahan ng dila sa babaeng bigla na lang sumolpot mula sa outer space.
“TARIA!” Bakas sa mukha ni CM ang pagkabigla. Hindi niya napaghandaan ang ginawa nito sa kanya. Bahagya niyang tinulak ito papalayo sa kanya. “What are you doing here?”
“I have a photo shoot here, Darling.” Malambing na sagot nito. “I miss you so much Darling.”Pinaglakbay pa nito ang mga daliri sa leeg ng binata.
Nakilala ni CM, si Taria noong pumunta siya nang Thailand para i-close ang business deal sa Thailander business man.
Nagmomodelo si Taira, kaya kung saan-saan sulok ng mundo ito napupunta. Naka one night stand niya. Simula noon ay hindi na siya nilulubayan ng babae. Gusto nitong dalhin sa ibang level ang relasyon nila higit pa sa one night stand. Ayaw niya naman mangyari dahil para kay CM, hanggang doon na lang. Kaya hangga’t maaari ay iniiwasan niya si Taira.
“Im busy, Taira.” Aniya.
“You make me surprise, Darling.” Anito kinakagat-kagat pa ang ibabang bahagi ng mga labi nito.
“Ako rin, nasorpresa.” Wala sa loob na sagot ni CM. “Shit!” mura niya sa sarili. “Where is She?” Naisatinig sambitla niya.
“Who?” Tanong ni Taira, kumapit pa ito sa braso ni CM.
“Taira, can you leave now? Let me go.” Baling niya rito. Pigil ang inis sa boses niya. Pinarangka niya na ito, one night stand lang ang nangyari sa kanila at wala itong maasahan mula sa kanya. Ngunit hindi pa rin ito tumitigil sa kakahabol sa kanya.
Inikot niya ang kanyang paningin sa loob at labas ng waiting area. Nahagip ng mga mata niya si Nathalie na pasakay na ito sa taxi.
Walang paalam na tinalikuran niya si Taira. Malalaking hakbang ng kanyang mga paa ang ginawa niya patungo roon sa kinaroroonan ng dalaga na baka sakaling maabutan niya si Nathalie.
BINABASA MO ANG
SEALED WITH A KISS
Genel KurguRAIDER SERIES 1-THE LONGEST RIDE(COMPLETED) 2-SEALED WITH A KISS(COMPLETED) 3-ONCE AGAIN(NOT POSTED, MAY BE SOON) 4-ACCIDENTAL LOVE(COMPLETED)