CHAPTER TEN

1.2K 24 0
                                    


SA MGA SUMUNOD na mga araw ay nagmistulang magnobyo sina Nathalie at Cm.  Walang pangalan ang kanilang relasyon.  Ayaw rin naman magtanong ng dalaga dahil sa ayaw niyang ma pressure si CM.  Ang mahalaga ay parehas sila nag-eenjoy at masaya sa kung anong meron sila.  Lalo’t abala ang lalake sa paghahanda sa nalalapit na bid,  ang itinakdang araw ni Mr Andrie Webber.

Malakas na suntok sa panga ni Leo Pendon ang pinakawalan ni Cm para rito na halos ikatabingi ng mukha ng huli. Kasalukuyan nasa loob sila ng opisina ni Cm.

“Cm,  ano ba?Pinatawag mo lang ba kami rito para gawin punching bag iyang mukha ni Leo?” Ani Cristy na pumagitna ito sa kanila ni Pendon.  Saka hinawakan sa braso si Cm.

Marahas na binaklas ni Cm ang kanyang braso mula rito sa pagkahawak ni Cristy. Nanlilisik ang mga mata ni Cm na binalingan si Cristy.  

“You also!” Sabay duro niya kay Cristy. “Your my friend,  pinagkatiwalaan kita Cristy.” Mahina ngunit mariin niyang sabi.

“What do you mean?” Nagtatakang tanong ni Cristy,  napahakbang ito ng paatras ng ilang hakbang sa takot nito sa nakikitang galit na nakalarawan sa hitsura ni Cm.

Lumapit si Cm sa kanyang mahogany desk,  kinuha niya mula roon sa ibabaw ng lamesa ang kulay asul na folder at pabalang na itinapon sa harap ni Cristy.

 Nakamata lamang si Pendon habang sapo ang panga nito na tinamaanng malakas na kamao ni Cm.

“Kailan pa kayo nagnanakaw ng pera sa kompanya?  Alam ko rin Cristy na ikaw ang kumuha ng proposal documents.  At alam ko rin na magkasabwat kayo,” sa kabila ng lahat ay pinipilit ni Cm na kalmahin ang kanyang sarili.

Lihim niyang ipa-audit ang accounts ng opisina ay natuklasan niyang nagnanakaw ng pera ng kompanya sina Leo Pendon at Cristy. Natuklasan niya rin si Cristy ang kumuha ng proposal documents dahil sa hiding cctv na nakalagay roon sa mata  malaking teddy bear na nasa loob ng kanyang opisina.

Bumontong-hininga si Cm. “Ibalik n’yo ang perang ninakaw n’yo or else sa korte na lang tayo magkikita at sisiguraduhin kong parehas kayo mabubulok sa kulungan. But then I consider you as a friend Cristy,  bibigyan kita ng chance. Bukas mismo ibalik n’yo ang pera ninakaw n’yo.  And one more thing,  submitted your resignation letter to HR department.  Ayokong may ahas na pakalat-kalat sa kompanyang ‘to.”

“I'm sorry,” tanging nasabi ni Cristy na nanunubig ang mata nito.

“Get out!” sabi ni Cm sa medyo may kalakasan ang boses.  tinuro niya ang pinto upang palabasin na ang mga ito mula rito sa loob ng kanyang opisina.

Nang lumabas na sila Cristy at Pendon.  Naupo siya sa kanyang swivel chair,  nakatukod ang kanang braso niya sa ibabaw ng lamesa habang nakayoko naman ang kanyang olo.

Mayamaya ay narinig niya na may pumihit sa seradura ng pinto.  “I told you Cristy,  get out!” mariin niyang sabi.  Akala niya ay bumalik sa loob ng opisina niya si Cristy.

“Mr Raider,  can I talk to you,  please,” anang boses babae,  sigurado siya na hindi iyon boses ni Cristy.  Umangat siya ng kanyang olo,  awtomatikong lumipad ang tingin niya roon sa pinanggalingan ng boses.

“Dianna,” medyo nagulat pa siya,  hindi niya inaasahan na maging panauhin niya si Dianna.

“Sir,  I'm sorry.  Pinigilan ko naman siya pero ayaw mag…” Hindi naituloy ni Miss Montejo ang iba pang sasabihin nito.

“It's okay,  Miss Montejo.  Please leave us,  and go back to your work.” Pakli niya sa iba pang sasabihin ng secretary niya.

“Yes,  Sir.” Ani Miss Montejo.  Tumalikod na ang secretary niya upang bumalik na ito sa lamesa nito nasa labas lang din ng opisina ng binata.

SEALED WITH A KISS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon