NAIILANG SI NATHALIE sa klase ng titig ng batang babae, kanina pa ito nakatigtig sa kanya tila hindi na nga nito magawang kumurap. Tantiya niya ay nasa sampung taong gulang ang batang babae. Mahaba ang buhok nito na lagpas balikat, maputi at namula-mula ang balat nito lalo’t kulay pinkish ang mukha ng batang babae.
Kasulukuyan nasa cake shop si Nathalie nang mga sandaling iyon. Bago siya naghanap ng mauupuan ay um-order muna siya ng chocolate cake at black coffe. Katabi lamang ng mesa niya ang lamesa inuukupa ng batang babae, paharap naman ang puwesto nito.
Hindi siya makatiis na tingna nalang batang babae. Nguiti siya. “Hello, what is your name?” aniya.
Alanganin ngumiti ang batang babae. Subalit nakatitig pa rin ito sa mukha niya. “I'm Bianca Raider,” bibong sagot nito. Saka sumubo ng cake.
Biglang napatitig si Nathalie sa batang babae, habang tinititigan niya ang mukha nito tila may matalim na kutsilyo ang humihiwa sa kanyang puso. Kahawig ni Cm ang batang babae. Ibig sabihin may asawa’t anak na si Cm? Subalit ni minsan ay hindi iyon nabanggit sa kanya ng kanyang mga magulang. Inalis niya ang tila bikig sa kanyang lakamunan bago nagsalita muli.
“Nice name, Bianca. Pretty name like you.” Papuri ni Nathalie.
Kumimbot ang ibabaw bahagi ng labi ni Bianca. “What is your name?” Balik tanong nito. “You know, I like you.” Prangkang sabi nito.
“Halata ko nga,” aniya naroon pa rin ang ngiti sa kanyang mga labi. “I'm Nathalie but call me Tita Nathalie.”
Biglang lumaki ang dating singkit na mga mata ni Bianca. “Your my mo…” Hindi nito naituloy ang sasabihin ng may babaeng lumapit sa kanila na may bitbit na kahon ng cake.
“Sorry, ma’am, masyadong madaldal lang ‘tong alaga ko. Sorry po talaga,” abot-abot ang paghingi nito ng pasensiya.
“Yaya, ang OA, hah, nakikipag-usap lang naman ako. Because I like her,” ani Bianca. Akalain ay matanda na kung magsalita.
Ngumiti rito si Nathalie. “No, worries, nag-uusap lang naman kami, saka bibong kausap si Bianca.”
Nginitian lang siya nito, saka binalingan si Bianca. “Let's go na Bianca,” hinawakan sa kamay ang bata.
“Bye, Tita Nathalie,” ani Bianca kumakaway pa sa kanya.
“Bye, Bianca, see you around,” aniya gumaganti rin ng kaway sa bata.
Mayamaya ay dumating na rin ang mga kaibigan niya at nagyayaan na magdisco. Hanggang sa inabot sila ng alas-nuebe ng gabi, nang makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang ama.
NAKAKUNOT-NOONG tinitingnan ni Nathalie ang kulay itim na Mercedes benz naka-park sa parking area nasasakupan ng Gonzales Mansion.
“Anong ginagawa ni Cm dito?” aniya sa sarili kakauwi niya lamang mula sa disco bar na pinuntahan nilang magkakaibigan. Nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang Daddy, pinapauwi na siya nito dahil sa may dumating raw na bisita at gusto siyang makasalo sa hapunan. Ngunit sa nakikita niya ay si Cm lang naman ang tinutukoy ng kanyang ama na bisita. Naguguluhan tuloy siya kung may asawa’t anak na si Cm bakit palagi itong bumibisita sa kanila lalo’t ganitong oras.
“Ma’am Nathalie, kanina pa kayo hinihintay ng Daddy n’yo,” anang ng katiwala nila. “Nasa dining na po sila. Kapag dumating ka na raw dumiritso ka na lang doon” Dagdag na sabi nito.
“Pakisabi Linie, magbibihis lang ako, pupunta rin ako agad doon.”
“Sige, Ma’am,” anito saka tumalima na upang tumungo na roon sa dining area.
BINABASA MO ANG
SEALED WITH A KISS
Fiction généraleRAIDER SERIES 1-THE LONGEST RIDE(COMPLETED) 2-SEALED WITH A KISS(COMPLETED) 3-ONCE AGAIN(NOT POSTED, MAY BE SOON) 4-ACCIDENTAL LOVE(COMPLETED)