CHAPTER 3

1.5K 29 7
                                    

PAGKALIPAS NANG isang dekadang paghihintay ni CM ay sa wakas bumukas din ang dahon ng pinto ng banyo.  Niluwa mula roon ang dalagang hinihintay niya kanina pa.  Nakatapis lang ng maikling tuwalya si Nathalie.

Laglag ang mga panga ni CM habang nakatingin kay Nathalie habang naglalakad ito palabas mula sa loob ng banyo,  hindi niya rin magawang kumurap man lang tila kapag ginawa niyon ay bigla na lang maging invisible sa paningin niya ang dalaga,  nakatitig lamang lamang siya sa magandang tanawin na nakatayo roon halos dalawang dipa lang ang distansiya nasa kanilang pagitan ni Nathalie. Hindi niya magawang pigilan ang sarili di pasadahan ng tingin ang dalaga mula ulo hanggang paa.  Napakakinis at mala porselana ang kaputian ni Nathalie,  hanggang sa napako ang tingin niya sa dibdib banda ng dalaga. Wala siyang bukang bibig sa kagandahan taglay nitom Napakaganda ni Nathalie, idagdag pa ang maamong mukha nito.  Bigla siyang natauhan ng marinig niya ang malakas na boses ng dalaga, naniningkit ang mga mata ni Nathalie nakatingin sa kanya.

“CM!” Bulalas niya sa malakas na boses.  Hindi niya alam kung sino ang unang nagulat sa kanila ng binata.

Nadatnan ni Nathalie si CM na printing nakaupo sa ibabaw ng gilid ng kama niya,  naka dekawatro pa ang mga binti ng binata.  Insaktong pagbukas niya ng pinto ng banyo ay nakatingin din si CM roon.

Kumportableng-kumportable sa suot na three pieces business suit.  Now he looked more erresistable than ever.  He looked every inch a businessman,  formidable businessman.

Sa hitsura ni CM habang nakatingin sa kanya ay tila natuklaw ito ng ahas.  Taas baba ang ginawang pagtitig nito sa kanya.  Kitang-kita niya rin ang pagtaas-baba ng adams apple ng binata.  Nang pasimple niyang tingnan ang mga mata nito,  she's saw desires.

No! Impossible!  Hiyaw ng isang bahagi ng kanyang isip.  Malabong mangyari iyon.

Hindi niya magawang kumilos,  tila itinulos na kandila si Nathalie sa kinatatayuan niya nang mga sandaling iyon, hindi niya  magawang kumilos.  Pakiramdam niya ay nanunuot sa pinakailaliman ng kalamnan niya ang ginagawang pagtitig sa kanya ni CM.

“Fuck!  What are you doing here?!” Tanong niya sa wakas ng nakabawi na siya sa pagkabigla.

“We really need to do something about that dirty mouth of yours,  Nathalie.  It doesn't suit you,” sabi ni Cm.

“As your tie doesn't suit you,” pang-aasar niya pero sigurado siyang hindi nito iyon papansinin.  He always confident about the clothes he wore. “Anong ginagawa mo dito?” tanong niya ulit.

“Why you run away?” Nakakunot-noong tanong ni CM.

Tumawa ng pagak si Nathalie. “Im not, Calyxandrie. What should  I do?” Nakataas ang isang kilay tanong niya. “Panoorin ka habang nakikipag-espadahan ng dila at nakikipagpalitan ng DNA sample sa babaeng linta na ‘yon! In public place,  nah,  pity sake”

“I'm sorry,” hinging paumanhin ni CM. “Believe me,  hindi ko rin inaasahan naroon din pala si Tiara,” seryosong sabi nito.

Tiara pala ang pangalan ng babaeng linta na ‘yon.

Umismid siya. “Really?  Calyxandrie Marco?  Or another trick of your’s.”

Sinuklay nito ang sariling buhok gamit ang mga daliri nito. Sa hitsura nito tila nauubusan na ng pasensiya.  Hindi rin makatingin ng diretso si CM sa kanya.  Kung saan-saan nakabaling ang tingin nito.

“Dress up,  Nathalie,” Ani Cm. Tiningnan siya nito  mula sa mukha pababa sa dibdib niya. “We need to talk.”

Humigpit naman ang pagkahawak ni Nathalie sa tuwalya nakabalot sa kanyang katawan.  Shit! mura niya sa sarili.  Hindi pa rin pala siya nakapagbihis.

SEALED WITH A KISS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon