"Good morning, Mom" aniya saka humalik sa pisngi ng kanyang ina. Naabutan niyang nagdidilig si Margaux ng mga rosas na tanim nito sa garden.
Saglit itong lumingon kay Cm na may ngiti sa mga labi nito."Good morning, Son" pinagpatuloy ang pagdidilig ng mga bulaklak. "Mabuti naman naisipan mong dito umuwi." Ani Margaux na may bahid ng pagtatampo ang boses nito.
"Mom, bahay ko pa rin dito, saka na miss ko na rin kayo, busy, eh, kaya di na ako masyado nakakauwi dito." Aniya. "Nadatnan ko si Daddy sa bar umiinom. Inaway mo naman ba Mom?"
"Ganyan naman ang Daddy mo palaging umiinom," sagot ni Margaux. "Doon ka muna sa garden set at tatapusin ko muna 'tong pagdidilig ko." Anito tinataboy na siyang paalis dito.
"Hi, Daddy, Good morning!" masiglang wika ng sampung taong gulang na si Bianca. Pakinding-kinding pa itong lumalakad papunta rito.
"How's my baby girl?" nakangiting tanong ni Cm, binuka ang dalawang mga braso niya upang salubungin ng yakap ang anak.
"I'm good, Dad. Na miss lang kita kunti," nagtatampo rin wika nito.
"Na miss din naman kita baby girl, kaya nga nandito ako." Paglalambing ni Cm.
Saglit itong nag-isip, "yung totoo po Daddy na miss mo talaga ako? O iyong kare-kare ni Grandma?"
Tumawa ng mahina si Cm, "Oo naman na miss ko ang kare-kare ni Grandma Margaux but ofcourse mas na miss kita, Daddy miss you so much."
"Yehey! Dad, miss me," masayang-masaya wika ni Bianca. Saka nagpakanlong ito sa kandungan ni Cm.
Nakaramdam ng kunsensiya si Cm sa nakikinita sa anak. Simula ng dumating sa buhay niya si Bianca ay hindi niya nasundan ang paglaki ng bata. Ang mga magulang niya ang nag-alaga sa bata hanggang sa ngayon. Hindi niya rin magawa bisitahin palagi ito upang makapag-bonding silang mag-ama dahil sa hytic niyang schedule sa opisina at business trip.
"Hmmm, amoy pawis ang bata. Ang baho mo," aniya na kunwari ay tinakpan pa ang kanyang ilong. Bahagyang tumulis ang mga bibig niya.
Inamoy naman ni Bianca ang sarili. "Hindi naman, ah. Ang bango-bango ko po kaya Daddy." Mas sumiksik pa ang katawan nito sa kay Cm.
Tumawa ng malakas si Cm, nang mahismasan ay, "marunong ng ma-concious ang baby girl ko."
"Daddy! sabi ko na nga ba, eh. Niloloko mo lang ako." Nakabusangot sambitla ni Bianca sa may kalakasan nitong boses.
"Maiwan ko muna kayong mag-ama, at ipapahanda ko lang ang almusal natin." Sabad ni Margaux nang nakalapit na dito.
"Sige, Mom, susunod na lang kami mayamaya ni Bianca." Turan ni Cm.
Umalis si Bianca sa kandungan niya at naupo sa katapat ng inuupuan niya. Nangulumbaba ito sa tapat nitong mesa naka pagitan sa kanila. Pagkatapos ay tinititigan siya nito ng walang kakurap-kurap.
Ngumiti si Cm, "sa klase ng mga titig mo, mukhang may hihingin na naman ang baby girl ko, ah."
Kumimbot ang sulok ng labi ni Bianca, "Dad, kailan mo ako bibigyan ng Mommy at little sister atsaka little brother?"
Napalis ang ngiti sa mga labi ni Cm, sumeryoso ang hitsura niya. "We already talked about that, Bianca."
"Daddy, matanda ka na." nagbilang ito sa daliri. "Your thirty one na. Need mo na po mag-asawa." Ani Bianca, tila matanda na kung makapagsalita.
Isinandal ni Cm ang ulo niya sa headrests ng sofa, pagkatapos ay pinikit niya ang kanyang mga mata. Mayamaya ay naramdaman niyang naupo si Bianca sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
SEALED WITH A KISS
Genel KurguRAIDER SERIES 1-THE LONGEST RIDE(COMPLETED) 2-SEALED WITH A KISS(COMPLETED) 3-ONCE AGAIN(NOT POSTED, MAY BE SOON) 4-ACCIDENTAL LOVE(COMPLETED)