CHAPTER ELEVEN

1.3K 27 0
                                    

NANG MGA SUMUNOD na mga araw ay madalang na sila nagkikita't magkakasama ni Cm.  Tuwing nasa opisina si Cm ay palagi naman itong busy.  Kapag dumating naman ang oras ng uwian ay mas maaga pa si Cm umaalis ng kompanya.

Alam ni Nathalie kung sino ang palaging mga kasama ni Cm.  Ang mag-iinang Dianna at Bianca ang palaging kasama ng lalaki.  Paano niya makakaligtaan iyon kung animo ay katulad siya sa secret detective na minamanmanan ang bawat galaw ni Cm. 

NABIGLA NA LAMANG si Cm ng biglang lumitaw na lang si Nathalie.  Hindi niya kaagad napansin ang pagdating ng dalaga.

"Cm," ani Nathalie na papalapit sa inuupuan niyang bench na gawa sa semento.

Napapansin ni Cm na namumula ang mukha ng dalaga.   Ilang araw rin na hindi sila magkakasama ni Nathalie.  Nitong mga nakaraan araw ay sina Dianna at Bianca ang kasama niya,  sinasamahan niya ang mag-iina sa tuwing namamasyal ang mga ito.  Gusto niya rin kasi na maramdaman at mararanasan ni Bianca ang kompleto ang mga magulang ng bata.  Kahit na hindi niya tunay na anak si Bianca ay napamahal na ang bata sa kanya at sa loob ng halos sampong taon ay siya ang naging magulang ni Bianca.

Sinasamantala na rin ni Cm na magkakasama ang mag-iina dahil sa paalis na naman si Dianna,  upang bumalik ito sa trabaho nito na hindi naman sinasabi kung anong trabaho meron ang babae.

Hinakbang ni Cm ang kanyang mga paa upang salobungin si Nathalie,  diyata't naka-inom ng nakakalasing na inumin ang dalaga.  Namumungay ang mga nito. Kilala niya si Cm at kabisado na ang pag-uugali ni Nathalie kapag nakainom ng liquer o 'di nakainom.

Nang akmang hahawakan niya ang kamay ni Nathalie.  Lumipad ang kanang palad nito patungo sa kaliwang pisngi niya.  Hindi ni Cm napaghandaan ang malakas na sampal na ginawa ni Nathalie sa kanyang mukha na halos ikatabingi ng kanyang kaliwang pisngi.

Pinukol siya ng masakit na mga titig ni Nathalie. Habang ninamnam niya ang sakit ng pisngi niya.  Nagtatanong ang mga titig niya rito sa dalaga. 

"Kulang pa ang ginawa kong pagsampal sa iyo Calexandrie.  For the second time,  again you have hurt my feelings. Ang pinagkaiba lang mas masakit ngayon kaysa kompara noon.  Akala ko ay mahal mo na ako pero mali na naman pala ako.  Pinaglaruan mo lang ang naramdaman ko para sa iyo." Saad ni Nathalie na punong-puno ng mga luha ang mga mata ng dalaga.

Gusto ni Cm lapitan si Nathalie at ikulong sa kanyang mga bisig,  at aluin pagkatapos iparamdam dito sa safe ang dalaga sa kanyang mga bisig.  Subalit paano niya magagawa iyon?  Gayong nagagalit si Nathalie sa kanya.

"Princess,  let me explain," ang namutawi mula sa kanyang mga labi. 

"Explain for what?  Para sa mga  kasunangalingan mo Calyxandrie?" Naniningkit ang mga mata wika ni Nathalie.

"please,  pakinggan mo muna ang mga sasabihin ko," aniya na malapit na rin ang pasensiya para sa dalagang kausap at kaharap niya.  Masyadong nagmanatigas ang dalaga at ayaw ito makinig sa iba pa niyang sasabihin dito.

"Anyway,  congrats.  Happy family,  huh." Patoyang sabi ni Nathalie.  Saka umalis na walang lingon likod.

Tila itinulos na kandila si Cm sa kanyang kinatatayuan.  Napasabonot din siya sa sariling buhok.  Ano na bang nangyayari sa kanyang buhay.

"Sundan mo si Nathalie,  Dali!" Medyo may kalakasan sabi ni Dianna.  Pati ang paglapit dito nila Dianna at Bianca ay hindi niya na namalayan pa.

"Narinig n'yo ang pinag-uusapan namin ni Nathalie?" Tanong niya sa mag-iina.

"Yes,  Dad.  Kanina pa kami ni Mommy , nakinkinig sa mga sinabi ni Tita Nathalie." Sagot ni Bianca.

"Follow her,  and explain everything." Ani Dianna na halos ipagtutulakan na siya nitong umalis upang sundan si Nathalie.

SEALED WITH A KISS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon