“ANDRIE!” anang ng boses babae, napahinto si Cm sa pagbukas sana sa dahon ng pinto ng red nissan safari.
Tama ba ang pandinig niya? O guni-guniniya lamang iyon? Lumingon siya sa pinanggagalingan ng boses. Nakikita niya ang babaeng may alanganin ngiti nakapaskil sa mga labi nito.
“Andrie,” ulit nitong wika. Bago makalapit sa kanya ang babae ay hinarangan agad ito ng bodyguard slash driver niya.
Kunot-noong tiningnan niya ang babae. “Your mistaken, Miss,” aniya.
Kumimbot ang isang sulok ng labi nito. “Gusto ko lang kumustahin si Bianca.”
Inarok ng tingin ni Cm ang babaeng nakasuot ng kulay pula na damit. Sigurado siya sa sarili ngayon niya lang ito nakaharap. “Sorry, miss but Im not Andrie.” sa halip na sabi niya, hindi niya pinansin ang sinabi nito tungkol kay Bianca. Napaka-private niyang tao at pinakaayaw niya ay pinag-uusapan ang tungkol sa pamilya niya lalo’t sa hindi kakilala.
Tuluyan niyang tinalikuran ang babae. Binuksan niya ang pinto ng kotse at tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob. Hindi niya na binigyan pansin ang ibang sinasabi nito.
“Sir, saan tayo?” tanong ni Zaldy ng parehas na sila nasa loob ng kotse at sinisimulan nitong buhayin ang makiba ng sasakyan.
“Magmaneho ka lang,” baliwalang sagot niya. Naiiling na lamang si Zaldy, tinuon nito ang pansin sa daraanan.
Bago tuluyan umalis ang kotse tumatakbo na sinasakyan ni Cm ay nilingon niya ang babaeng nanatiling nakatayo pa rin ito, habang nakasunod ang tingin nito sa likod ng red nissan safari.
Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa ng pantalon na suot niya. Pagkatapos ay tinawagan si Margaux. Ilan beses lang nag-ring ang nasa kabilang tawagan at sinagot iyon ng kanyang Mommy Margaux.
“Ma, si Bianca?” Bungad niya agad ng sagutin ng ina niya ang kanyang tawag. “Nandiyan na ba sa bahay?” Sigurado siyang nasa bahay na ang bata galing iskuwelahan.
“Sinundo ni Nathalie, ipapasyal niya raw. Tinawagan ng anak mo ang isang ‘yon at naglalambing,” ani Margaux.
Hindi maiwasan ni Cm na di mapangiti sa nalaman niyang iyon. “Ma, pakitanong naman kay Nathalie kung nasaan sila at susunod ako roon.” Pakiusap niya sa kanyang ina.
Mayamaya ay nakatanggap siya ng text message mula sa ina niya.
“Zaldy, Shagri-La Plaza,” aniya sa driver.
“Copy, Sir,” sagot naman ni Zaldy, binaybay nito ang Edsa patungong Shari-La Plaza nasa corner ng Edsa at Epifanio de los Santo Avenue.
“DIANNA,” natutuwang sambit ni Nathalie nang makita ang babaeng masasalubong nila ni Bianca. Tila wala ito sa sarili.
Napatingin naman sa kanila ang babae, awtomatiko itong ngumiti nang makita si Nathalie. “Nathalie,” bulalas nitong sabi tila ayaw maniwala. Napatingin ito kay Bianca na nakahawak sa kanan kamay ni Nathalie.
Nakipagbeso-beso si Nathalie rito. Nakilala niya si Dianna noong nag-exchange student's ito sa university pinapasukan niya sa New York. Dahil sa kapwa Pilipina at madali nagkakaintindihan ay madali nagkapalagayan ng loob at naging instant friend sila ni Dianna.
“Matagal hindi na tayo nagkita, ah. Kumusta ka na?” Nakangiting tanong ni Nathalie.
Malungkot na ngumiti si Dianna,”well doing good.”
BINABASA MO ANG
SEALED WITH A KISS
General FictionRAIDER SERIES 1-THE LONGEST RIDE(COMPLETED) 2-SEALED WITH A KISS(COMPLETED) 3-ONCE AGAIN(NOT POSTED, MAY BE SOON) 4-ACCIDENTAL LOVE(COMPLETED)