Nangyari po ito mga 2008, 17 years old lang ako noon.
Sa boarding house ng pinsan ko naranasan ang mga nakakatakot na pangyayari.Mga eleven na ng gabi iyon, at mga lasing pa kasama ko sa boarding na iyon, kasi kakauwi lang nila galing nag disco. Bali pito kame lahat doon kasama mga kaibigan ni ate Joy (pinsan ko hindi niya tunay na pangalan) si ate Shiella, si Mayet, si Bobba, si ate Kim, si ate Amy at ako. (Mga hindi rin nila tunay na pangalan).
Iyong boarding house kasi ng pinsan ko malaking kuwarto siya tapos may sariling CR yun. So bali ang ginawa namin kasi marami kame noong time na 'yun, bukod sa kama kasi hindi naman siya double deck, nag latag kame ng isang kutson sa tabi ng kama kasi ang matutulog sa kutson na yun ay sila ate Shiella, si ate Kim, si Mayet at Bobba tapos sa kama naman ako, si ate Joy at si ate Amy.
Eh kasi nga midnight na ng mga oras na 'yun kaya nahiga na kaming lahat para matulog na. Bandang 2o'clock ng madaling araw nagising ako, para mag CR sana (ugali ko kasi pag nagising tinitignan ko yung oras) so yun nga nagising ako. Pag tingin ko sa CR kasi laging iniiwang bukas yung pinto noon, may nakita akong babae nakatayo sa may bungad ng CR, bagong ligo siya kasi may towel na nakabalot sa ulo niya tapos may towel din na naka tapis sa katawan niya.
Umupo ako sa kamang kinahihigaan namin kasi tinignan ko mga kasama ko kung sino yung naligo, kasi nga mga naka-inom baka kako nainitan kaya naligo. Pero pag tingin ko isa-isa sa kanila lahat sila himbing na himbing kaya tumingin ako ulit sa CR kung andoon pa yung babae, pero wala na siya. Sa takot ko dali-dali akong nahiga ulit tapos ng talukbong ng kumot.
Kinabukasan sinabe ko sa kanila nakita ko, lahat sila nag tilian sa takot.
Kaya simula noon ayaw ng magpa-iwan mag-isa ng pinsan ko sa boarding house niya lalo na kung gabi.
BINABASA MO ANG
Nakakatakot Na Karanasan (true story)
HorrorAng mundo ay nababalot ng hiwaga. Sadyang may mga bagay dito sa mundong ibabaw na mahirap hanapan ng lohikal na paliwanag. Karamihan sa atin ay ipinagwa-walang bahala ang mga napapansing mga bagay na gumagalaw o mga pangitaing kakaiba. Pero ang ila...