Chapter22: Shock

117 1 0
                                    

Jane POV

Pagkabalik namin palaisipan pa din para saamin ang mukha nung babaeng sumugod saamin nung tinanong namin sina Ivan wala silang maalala siguro yung babae ang may dahilan diba ang sabi nya 'Pagkaalis ko wala na kayong matatandaan tungkol saakin lalo na kayo Prince Cold Forrester at Prince Ivan Reese Forrester'














"Jane pinapatawag tayo ni Headmaster!!." sigaw ni Seira kaya bumaba na ako si Athena kaya kamusta na kaya sya.. Siguro kung hindi sya namatay hindi magiging cold si Zach.











"Para saan daw?." tanong ko pero nagkabit balikat lang sya at si Quin pagkalabas namin ng dorm seryosong naglalakad lang kami hindi tulad ng dati...












Pagkasama namin sya napaka-ingay namin "Do you miss her?." tanong ni Quin "Of course I miss her.." bulong ko kaya niyakap ako ni Seira "Me too." sagot nya.. Lahat naman kami eh namimiss sya pagkarating namin sa office ni Headmaster kumatok agad ako.









"Come in." rinig naming sabi kaya pumasok na kami nandoon narin yung mga lalaki umupo ako sa tabi ni Ivan "May sasabihin lang kami sainyo." ani ni hm Cold kaya nagtanong si kuya "tungkol saan naman po iyan?." tanong nya kaya napatingin kami kay hm.









"Tungkol sa pagbubuntis ni Miesha." ani ni Ivan kaya nagtaka kaming mga babae "Bakit may problema ba?." tanong ni Quin "Alam nyo naman siguro na hindi basta basta lalaki ang tyan ng isang Elementia." panimula ni hm kaya nakinig kami..














"Lalaki lang ang tyan nila pagnalaman na ng kabiyak nila na nagdadalang tao sila.. at mabilis din ang panganganak nila apat na buwan ay manganganak na sila.." paliwanag ni hm kaya nagtanong ako "Ano naman pong connect non ngayon." tanong ko.















"Malapit na ang ika-7 pagsapit ng pulang buwan at sa araw na iyon ang digmaan." ani ni hm kaya natahimik kami "Nasabi nyo na po ba Headmistress ang kalagayan nyo?." tanong ni kuya kaya napatingin si hm kay Headmistress "kalagayan may sakit ka ba?." nag-aalalang tanong ni Hm..










"Anong kalagayan nya?." bulong ni Ivan saakin kaso hindi ako nagsalita malalaman nya din naman eh "She's pregnant Hm Cold." sabi ni Blake kaya siniko sya ni Seira nakita naman namin ang pagkagulat ni headmaster "talaga?." hindi makapaniwalang tanong ni hm kaya tumango si Headmistress.










Kaya niyakap sya ni hm agad namang lumabas si Zach at padabog na sinarado ang pintuan "Hayyy!! Nagseselos nanaman si kuya." ani ni Seira kaya ngumiti si Headmistess "Babalik sya.. Pagnamatay sya mamatay din ako." naka-ngiting sabi nya kaya nagtaka kami "bakit naman po?." tanong ni Quin.












Elemental Academy: The long lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon