I wish....
Tammy's POV
Nasa mahimbing akong tulog. Ngunit ang malakas na tugtog mula sa kabilang kwarto ang gumambala sa masarap kong tulog na iyon. Hindi ko man gusto, subalit kusa nang bumangon ang katawan ko para patigilin ang ingay na 'yon. Padabog akong naglakad patungo sa kabilang kwarto na pagmamay-ari ng kapatid ko.
"ALEX NAMAN!" Sigaw ko pero hindi nya ako nilingon. Nakaharap lang ito sa laptop nya habang nagpapatugtog ng ubod nang lakas. "SETH ALEXANDER!!" Sigaw ko muli, but still, no response.
Lumapit ako sa kanya since mukhang nilamon na sya ng dambuhala nyang speaker. Hinugot ko sa pagkakasaksak ang lahat ng kasangkapan nya na nagdudulot ng nakakabinging tunog.
"What the hell!?" Sigaw nito nang mawala ang tugtog.
"Anak ng pating naman, Alex! Ganun ka na ba kabingi para magpatugtog nang ganun kalakas nang ganito kaagap?"
"Anong sinasabi mo? 8:30 na kaya. Ikaw 'tong tanghali gumising." Katuwiran naman nya. Hindi sana ako maniniwala pero hinarap nya mismo sakin ang orasan nya.
30 minutes before time...
30 minutes before time????!!!
"Patay. LATE NA 'KO!!!"
Kumaripas ako ng takbo patungo sa kwarto ko. Hinablot ko ang towel ko at pumasok sa loob ng banyo. Maraming beses na dumulas sa kamay ko yung sabon kaya lalo akong natagalan. Ang malala pa, pumasok sa mata ko yung shampoo mula sa buhok ko.
"SHIT!!" Angal ko. Agad kong kinuha ang tabo na may lamang tubig bago binuhos sa mukha ko.
Matapos maligo, nagbihis na ako ng uniporme. Kinuha ko ang bag ko at tumakbo pababa ng hagdan. Nagulat nalang ako nang maabutan kong nakaupo sa sofa namin si Cloud. Napatigil pa ako nang titigan ako nito. Hindi pa ako nagpupulbo at nagsusuklay. Tumutulo parin ang tubig mula sa buhok kong hindi ko gaanong natuyo.
"Late ka na." Sambit nito.
Imbis na pansinin sya, pumasok ako ng kusina at kumuha ng isang pirasong tasty bread.
"Mama! Aalis na po ako!" Paalam ko kay mama na mukhang nasa bakuran ng bahay namin.
"Tammy, sandali!" Paalis na ako nang bigla nya akong pigilan. Wala na sana akong balak lumingon ngunit ang supot na inabot nya sakin ang kumuha ng atensyon ko. "May delivery boy na nagdala nan dito. Para sa'yo daw."
Sandali kong nginata ang tinapay sa bibig ko at binuklat ang supot. Sa loob, nakita ko ang pulang kwaderno na nakita ko kahapon. Ang WISH NOTEBOOK.
"Ano yan?"
Mabilis kong isinara ang supot at nilagay sa bag ko nang mapansin kong nasa likuran ko pala si Cloud.
"Wala!" Singhal ko, dahilan para mabitawan ko ang tinapay sa bibig ko. Napatingin sya sa tinapay na nalaglag sa sahig. Ganun din ako. Kukunin ko pa sana iyon pero bigla kong naalala kung anong oras na. "Hala! Late na ako! Tara na!" Hinatak ko ang kamay nya palabas ng bahay. Hindi pa man sya nakakasakay ng motorsiklo nya at inunahan ko na sya, kasabay ng pagsusuot ko ng helmet sa ulo ko.
May bahid ng pagtataka ang mukha nito habang nakatingin sakin. Tingin ko iniisip parin nya kung anong laman nung supot na binigay sakin ni Mama. Mukhang hindi sya kumbinsido sa pagsisinungaling ko. Well, hindi na nya kailangan pang malaman iyon.
"Seriously, ano yung binigay sa'yo ni Tita?" Hindi mapigilang tanong nya habang nagmamaneho patungong school. Limang metro nalang ang layo namin mula sa gate.