Epilogue

817 22 15
                                    

I spent all night starring at that notebook. Isa ito sa mga nakuha ko sa gamit ni Tammy. I've seen that notebook for about one and a half years ago. Ito yung itinago nya sakin noon. Iyong gamit na pilit nyang ayaw ipakita sakin dahil siguro sa malalim na dahilan.

"Kuya, ano yan?" Lumapit sakin si Sapph na napadaan lang sa kwarto ko.

Hindi parin ako ganun kadalas magsalita. They know how depress I am. Though ilang buwan na ang nakalipas magmula nang mamatay si Tamary. It's not that easy for me to forget everything that happened. Kaya imbis na umimik, ipinakita ko lang sa kanya yung notebook na hawak ko.

"Notebook? Anong meron dyan?" Tanong nito pero nagkibit-balikat lang ako. Honestly, I don't know. Pero nagtataka parin ako at napapaisip kung bakit nagawang itago sakin ni Tammy ito. It's just an ordinary notebook, right? What's so different about this?

Pumunta ako sa kama ko at ibinagsak ang katawan ko do'n. Lumapit sakin si Sapph at umupo sa tabi.

"Come on, Kuya. Kausapin mo naman ako. Hanggang kailan ka ba magpapanis ng laway mo?" Medyo balisang tanong ni Sapph habang nakatingin sakin. Ako naman ay nakatingin lang sa kisame ng kwarto ko at hindi binibitawan ang kwadernong kanina ko pa inuusisa. Bigla naman itong kinuha ni Sapph at tiningnan. "Kanino ba galing 'to?"

"Kay Tammy." Matipid kong sagot. "I got it from her things." Dagdag ko pa.

Gulat na napatingin sakin si Sapph dahil sa bigla kong pag-imik. Imbis na punahin ay nagpatay malisya nalang sya sa kanyang napansin.

"Kay Ate Tammy? Baka naman notebook nya lang 'to sa isang subject nya noon." Aniya. Ngunit nang buklatin nya ito, maging sya ay nagtaka. "Teka, bakit walang sulat?" Kagaya ng napansin nya, iyon din ang napansin ko kaya nagtataka ako sa kwadernong iyon.

"She kept that away from me before." Sambit ko dito kaya lalo syang nagtaka.

"Really, Kuya? Eh akala ko ba no secrets sa friendship nyo?" Tanong naman nito. Hindi na ako nakahanap ng isasagot sa tanong nyang iyon. Tinatamad na din naman akong magsalita. "Hold on a minute." Napalingon ako nang bigla itong magsalita dahil sa kanyang nakita sa kwaderno. "R?" Taka nyang binasa ang kaisa-isang letra na nakaukit sa likod ng notebook na iyon.

Bumangon ako para makita kung anuman 'yong nakita nyang iyon. Napansin ko narin iyon kanina kaya hindi na ako nagulat. Gayunpaman, hindi ko din alam kung anong ibig sabihin no'n o kung may ibig sabihin nga iyon.

"I think I saw this before. Sa isang online shop na nakita ko sa Facebook." Saad ni Sapph kaya dali-dali nyang kinuha yung cellphone nya sa bulsa. May kung ano syang kinutingting do'n at nang makita na nya ang kanyang hinahanap ay agad nyang ipinakita sakin. "It's the same notebook, isn't it?" Pinakita nya sakin ang litrato ng kwadernong kaparehong-kapareho ng nasa amin ngayon.

"Wish Notebook?" Napakunot pa ang noo ko sa nabasa kong caption sa taas ng post na iyon.

"Yeah, it says that this notebook is magical. Para daw iyon sa may mga ihihiling. Ang alam ko hindi naman ganong mapaniwala si Ate Tammy sa mga ganitong bagay kaya nakapagtatakang meron sya nito." Pagsisiwalat pa nya. Maging ako, alam ko ang ganong side ni Tammy.

Bigla kong naalala yung mga panahon na ipinadala yan sa bahay nila. Iyon din yung araw na itago nya sakin iyon at nag-away pa kami nang dahil dito. Dahil pinakialaman ko yung gamit nya at kinuha ko pa yung ballpen na kasama ng notebook na 'to.

Where's that pen, anyway?

"Ano naman kayang hiniling ni Ate Tammy at bumili sya nito?" Hindi maiwasang magtaka ni Sapph habang pilit na inuusisa yung kwaderno.

Hindi ko nagawang sagutin iyon dahil abala ako sa pag-aalala ng mga nangyari noon na may kinalaman dito.

*Flashback*

Two Steps BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon