Chapter 43

295 11 0
                                    

Supportive Boyfriend

Tammy's POV

"Kaya mo yan!"

"Hindi nga! Hindi ko alam!"

Para lang kaming mga tangang nagsisigawan dito sa soccer field. Kasama ko ngayon si Cloud at agad kong sinabi sa kanya ang biglaang balita na bukas na pala ang thesis defense ko. Nagulat ako sa salitang 'yon na nanggaling mismo sa chairman ng department namin. Ako daw ang kauna-unahang magde-defend ng thesis sa department namin. I mean, oo tapos na ako sa manuscript ko but I'm not yet ready to defend it. Ewan ko ba kung bakit.

"Come on now, Tammy. It's your research. Alam mo lahat ng nilalaman no'n. Sigurado akong mai-dedefend mo nang maayos 'yon. Ikaw pa? Miss Running for Summa Cum Laude?" Patuloy naman ang paggawa ng paraan ni Cloud para lumakas ang loob ko at mawala ang lahat ng kaba sa dibdib ko. But it won't work.

"Alam ko thesis ko 'yon pero hindi mo naman maaalis sakin ang kabahan. The whole department is expecting too much from me. Paano kung hindi ko madepensahan nang maayos yung study ko?" And here I am on my non-stop questions of how's and what ifs. Sino ba naman ang hindi kakabahan sa thesis defense, diba?

"Masyadong negative yang mga pumapasok sa isip mo. Tinalo mo nga ako sa pagiging valedictorian no'ng high school diba? Though I am the valedictorian of our class during our elementary days. What's the point of getting nervous now?" Tanong pa nito.

"High school naman 'yon, e! College na tayo ngayon. Iba na yung ngayon." Katuwiran ko naman. Napapahilamos nalang ang mga palad ko sa mukha ko kakaisip nang sobra sa posibleng mangyari sa defense. Will I succeed or not? I don't know.

"I think you're too pressured." Aniya at bahagya akong napatingin sa kanya.

"Obvious ba?"

"Tara." Inaya ko nito sa pagtayo nya. Nagpagpag muna sya ng kanyang pantalon sa dami ng damong dumikit dito.

Hindi naalis ang tingin ko sa kanya dahil sa pagtataka. "Saan tayo pupunta?"

"To a place that will help you refresh your mind and gain your confidence." Sagot nya sa tanong ko.

Napairap nalang ako nang manatili ako sa kinauupuan ko. "Not funny, Cloud. Wala akong planong mag-inom." Inis kong sabi.

Bahagya itong napatawa sa sinabi ko. "What? Anong inom? And do you think I will let you drink? No way, young lady." Saad nya.

"Eh, ano ba? Sabi mo kasi refresh my mind and gain my confidence. Saang lugar ba meron no'n?"

"Just trust me, okay?" Malumanay nyang sabi habang nakalahad ang kanyang kamay sa akin. Tinanggap ko iyon at kusa narin akong tumayo.

Mula sa soccer field, naglakad kami palabas ng campus hanggang sa marating namin ang parking lot sa labas ng school. Inabot nito sakin ang extra helmet nya at sinuot naman ang para sa kanya. Sumakay ito sa kanyang motorsiklo at ini-start ang makina bago ako tuluyang umangkas.

Sampung minuto nalang bago mag-alas tres ng hapon. Tapos na ang klase namin parehas kaya ayos lang na umalis na kami ng school. Ngunit hanggang ngayon, hindi ko parin alam kung saan ba nya ako balak dalhin. Nadaanan namin ang ilang parte ng bayan at ang ilang kainan doon. Huminto ang motorsiklo nya sa harapan ng napakagandang at sagradong lugar. Napangiti ako sa aking natunghayan. Ngayon alam ko na kung bakit nasabi nyang makakatulong ito sakin. Well indeed, I know it will.

"May mass ng 3pm. Two minutes nalang bago mag-start kaya halika na." Inaya ako nito papasok sa loob ng simbahan na sadyang popular sa buong mamamayan ng aming bayan.

Two Steps BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon