[Photo above : Childhood photo of Cloud and Tammy]
Recollection pt.1
Calvin's POV
Dumadaan sa malaking gusot ngayon ang basketball team ng Chrisford University. Dahil sa kontrobersiyang nangyari mga ilang araw na ang nakalilipas, pati kami nadamay. Cloud tried to kick PJ out of the team. It is his condition para mapatawad nya ito sa kanyang ginawa. Tsss... Parang mga bata, diba?
Desididong kinausap ni PJ ang coach namin para mag-pull out sa team. Hanggang sa naging usap-usapan ito sa buong campus. 'The war between the two heartthrobs', sabi nga ng iba. We were there, except for Cloud, no'ng kinausap ni PJ si coach. Pero kahit wala naman kami do'n, alam naming hindi parin sya papayagan ni coach na umalis. Everyone is aware of how fast and amazing PJ was kapag nasa court sya. He almost became our team captain pero natalo sya ni Cloud. Pareho silang magaling pero kung titingnan mo kung sino talaga ang umaangat, si Cloud 'yon.
Hindi sumang-ayon si coach sa mga paliwanag ni PJ sa kanya. Pareho lang kami ng iniisip. Malaking kawalan din si PJ samin. Pero nang nalaman ito ni Cloud, hinamon nya si PJ na kapag hindi ito umalis, sya ang mismong bibitiw sa grupo. Mga abno ng taon! Dahil sa isang babae, nagkasiraan na sila.
Hindi alam ni coach kung paano ito so-solusyunan. Ayaw nyang pakawalan ang kahit na isa sa kanila. Hanggang sa kinausap sya ng school president at nag-suggest na isama ang dalawa sa gaganapin na recollection this year for the graduating students. Hindi kami graduating dahil may isang year pa kami sa school. But since we're part of the team, pati kami, napilitang sumama. Napilitan din kaming mag-rent ng sarili naming van dahil hindi kami nakasama sa master list ng mga magpa-participate.
"Kumpleto na ba lahat?" Tinanong kami ng mga ito. Ako muna ang tumatayong leader sa kanila, since wala sa mood si Cloud.
"Kumpleto na." Sagot ni Tyler.
Nasa labas pa kami ngayon. Madaling araw palang, at ber-month pa, kaya ganun nalang katindi ang lamig ng panahon. Isama mo pa ang klima sa pupuntahan naming lugar, the freezer part of the country, Baguio. Ngunit wala nang mas lalamig pa sa pakikitungo ni PJ at Cloud sa isa't isa. Si Cloud ay nasa unahang banda ng sasakyan habang si PJ naman ay nasa kabilang dulo.
"Tsss! Hindi pa ba tayo aalis?" Iritadong tanong ni Jiro habang nagma-martsa sa sobrang lamig. "Mauna na kaya tayo." Suhestiyon pa nito.
"Hindi pwede. Nakikita mo 'yon?" Tinuro ko sa kanya ang mga nakahilerang bus sa likod ng sasakyan namin at ang mga estudyanteng nasa labas din nito. "Hindi pa sila kumpleto kaya hindi pa sila umaalis."
"Damn it! Cloud! Magbati na nga kayo ni PJ. Pati kami nadadamay sa inyo, e." Singhal naman ni Kean sa dalawa. Napatingin lang si PJ kay Cloud pero hindi man lang ito nag-abalang pansinin si Kean. "Ay ewan! Suko na tayo!" May pagtaas kamay na pahabol nito.
Ilang sandali pa ay lumapit sakin si PJ.
"Dude, dun nalang siguro ako sa unang bus sasakay. Hindi ako kumportable dito, e. Tsaka hindi din naman tayo kasya sa van." Aniya.
Napalingon ako sa bus na nasa likod ng sasakyan namin. Napangisi ako nang malamang hindi naman talaga sa hindi kami kasya sa van, may nakita lang sya na gusto nyang samahan sa Educ Department.
"Kung gusto mong makasama si Tammy, sabihin mo lang." Sambit ko dito pero tingin ko napalakas ang pagkakasabi ko kaya napalingon ang iba naming teammates kabilang na si Cloud.
"Woah! PJ, ano ba talagang meron sa inyo ni Tammy?" Tanong ni Ron habang nakatitig kaming lahat sa bestfriend ni Cloud.
"Yeah, what's the score between the two of you?" Pinangalawahan pa ni Tyler.