Author: Are you ready to close this book? ^_^ Few more chapters to go, guys! Where are you? I miss your exaggerating comments 😂
----------------------------------------------------------
The Secret Donor
Third Person's POV (Author)
Labis-labis ang tuwa at pasasalamat ng pamilya at mga taong malalapit kay Cloud sa balitang may nakuha nang heart donor para dito. Mabilis na i-prinoseso ang mga papeles para sa isasagawang transplant. Nawala ang kaba, takot at pangamba ng mga ito sa kalagayan ni Cloud. Tanging Ang katotohanan na mababa ang tyansang maka-survive ito ang tanging iniisip ng bawat isa sa kanila. Ito ay dahil sa hindi direktang kadugo ni Cloud ang naging donor. Gayunpaman, sumugal parin sila. Pinanghahawakan nila ngayon ang pag-asa kahit na gaano pa kababa ito.
Kinahapunan ay sinimulan ang transplant. Nasa labas ng operating room ang mga kasama ni Cloud na nasa amerika habang ang mga mahal naman nya sa buhay na naiwan sa Pilipinas ay nanatiling tahimik na nagdadasal at naghihintay ng balita. Kasabay nito, itinago ng donor ang kanyang pangalan at tumangging sabihin ito sa pamilya ni Cloud hangga't hindi pa natatapos ang operasyon.
Lumipas ang ilang oras at inilabas na ito ng operating room. Laking pasalamat nilang lahat dahil naging matagumpay ang operasyon at tumugma ang pusong ipinalit sa katawan ni Cloud. Bumuhos ang luha dahil sa tuwa ng ina at kapatid nito. Mabilis na nakarating ang balita sa mga pinsan at kaibigan ni Cloud kaya labis-labis din ang sayang nararamdaman ng mga ito.
"We just need a few days to observe his body and his vital signs. We just hope that the operation won't give any negative reaction upon his body that might lead to any rejection of the donated heart. Please inform us when he's conscious." Saad ng doktor sa kanila.
"Excuse me, doc?" Paalis na sana ito pero pinigilan sya ni Sapph. "May we know the name of the donor? Since the operation succeeded."
Ngumiti ang doktor at inutusan ang nurse sa kanyang likuran na kunin ang papeles na naglalaman ng impormasyon na gusto nilang malaman. Ilang sandali lang ang lumipas nang bumalik ang nurse dala-dala ang folder na may lamang mga papel. May kinuhang isang pahina dito ang doktor at ibinigay sa kanila. Mabilis na kinuha iyon ni Sapph subalit labis syang nagulat sa kanyang nabasa.
"Mom...." Tinawag nya ang kanyang ina at lumapit silang mag-asawa sa kanya. Iisa ang naging reaksyon nila. Hindi nila alam kung maniniwala ba sila pero malinaw na nakasulat sa papel ang pangalan na naging dahilan ng pangalawang buhay ni Cloud.
Napayakap at napaiyak si Sapph sa kanyang ina. Hindi nila lubos akalain na ang taong ito ang magbubuwis ng buhay para sa kanilang anak. Habang humahagulgol sa iyak si Sapph, biglang tumunog ang telepono ng kanyang ama na si Patrick nang tumawag dito ang kanyang pinsan na si Renz. Sandali syang lumabas para kausapin ito at naiwan ang mag-ina sa loob ng silid kasama ang nagpapagaling na si Cloud. Lumabas na din ang doktor para iwan ang dalawa.
Dahil sa kanilang nalaman, nag-alangan silang umuwi ng Pilipinas. Minabuti nalang muna nilang manatili sa Amerika para sa ilang obserbasyon at check ups na gagawin pa ng doktor kay Cloud.
Lumipas ang halos tatlong linggo nang magising mula sa ilang araw na pagkawalang malay si Cloud. May ilan itong naging komplikasyon at nagkaroon ng negatibong epekto ang pag-react ng katawan ni Cloud sa pusong ipinalit sa kanya. Agad na ginawan ng paraan ito ng doktor hanggang sa naging maayos ang lahat. Bumalik na sa normal na pagtibok ang puso nito.
"I have to go. May aasikasuhin lang ako sa Pilipinas." Nagpaalam ang kanilang ama na si Patrick na mauuna na nang umuwi. Sa makalawa ay uuwi na din naman sila.