10 utos ng diyosa
Tammy's POV
"Una, wear my make ups. Ayokong maging putla at maging manang katulad mo."
Punung-puno na ako sa babaeng 'to. Napapakuyom nalang ang kamao ko pero nakangiti parin ako sa kanya. Sa kaartehan nya, kinailangan ko pang i-type sa phone ko ang mga sinasabi nya. Mahigpit nya itong utos sa takot na makalimutan ko.
"Noted." Walang gana kong sagot. Kahit ayoko talagang mag-make up, mukhang mapipilitan ako sa mga susunod na araw.
"Pangalawa, just don't, please don't, tie my hair."
As if naman na iyon ang nakita sa'yo ni Cloud. Ibang-iba na kasi sya ngayon kumpara sa dati na nakilala sya ng bestfriend ko. Mahinhin yan at mahiyain. Hindi ko lang alam kung ano bang nangyari sa kanya.
"Ano pa?" Tanong ko habang patuloy na nagtitipa sa phone ko.
"Pangatlo, don't ruin my fashion sense. Kilala ako sa school bilang fashionista so dapat ako ang magdedecide kung anong isusuot mo."
"Ooookkkaaaayyyy....." Kahit labag sa kalooban ko, sumasang-ayon nalang ako sa mga sinasabi nya.
"Pang-apat, always wear heels. Kahit 4 inches or 5 or 6, I don't care basta not less than 3 inches." Sambit nito na bigla akong napahinto sa pagta-type.
"Seryoso ka? Eh hindi nga ako marunong mag-heels, e. Rubber shoes lang lagi ang suot ko." Panga-ngatuwiran ko.
"Kaya ka nagmumukhang losyang, e. Pag-aralan mo. Madali lang naman yun. Don't worry, I'll train you kung kinakailangan. Panglima! Don't eat fatty foods or foods na maraming carbohydrates and sugars. Ayokong magkabilbil kagaya mo."
"Edi ikaw na ang perfect, tsss." Sagot ko naman nang hindi na ako makatiis sa panlalait nya. Harap-harapan, e!
"Pang-anim, three to four times a week pumupunta ako ng gym, so you should, too. Every Monday, Wednesday, Saturday and Sunday. Kapag weekdays, after class ako pumupunta."
Mukhang mapapasubo ako nito ah. Haist!
"Pang-pito, 'wag mong pababayaan ang mga organizations ko." Sabi nito. Tango nalang ako nang tango. "Pang-walo, always hang out with my friends kapag free time sa schedule ko. Ayokong mapag-iwanan at masabihang kill joy."
"Hindi ko nga kilala yung mga kaibigan mo, e."
Napairap naman ito at humalukipkip. "The first girl, yung chinita, that's Lanie. She hates it so much at sobra syang nabo-bother kapag hindi mo sya kinakausap. Kaya mahalaga na kausapin mo sya. Likewise with Shania. Sya yung kaibigan kong itim na itim ang buhok." Pinakilala nito sakin ang mga kaibigan nya. Bigla kong naalala yung dalawang babaeng bigla nalang umakbay sakin nung papunta ako sa klase nya. Tsss, kaya pala pinatawag si Cloud nung hindi ko sila iniimikan. Weird, huh? "How about you? Sinong mga kaibigan mo na pwede kong samahan?"
"Wala akong kaibigan bukod kay Cloud at sa teammates nya." Simple kong sagot.
"Gosh, ang loner mo naman pala sa klase nyo. Do you want me to make you some friends? Magaling ako do'n." Prisinta niya pero agad akong umiling.
"Hindi mo gugustuhing makipagkaibigan sa mga taong 'yon. Kung hindi mo alam, half of the population sa klase namin may gusto kay Cloud. Mapa-babae o binabae." There, I gave her an important trivia. Tingnan ko lang kung kausapin nya ang mga 'yon.