Recollection pt.3 (Confession Room)
Cloud's POV
"Hoy ano ba!? Hindi ba kayo magsasalita dyan?" Inis na nagtanong si Calvin saming dalawang nananahimik sa tigkabilang dulo ng kwarto.
May kanya-kanya kaming pinagkakaabalahan. Nagbabasa ako ng libro habang si PJ naman ay naglalaro ng online games. Kanina pa sila nagtatanong kung anong meron saming dalawa pero hindi namin ito pinapansin. Nagtataka sila dahil bukod sa nakita nila kaming magkasama kagabi, eh pareho pa kaming amoy alak.
"Wala talaga kayong sasabihin?" Tanong naman ni Ron.
"Everything's fine, guys. 'Wag nga kayong maingay dyan." Suway ni PJ dahil naiingayan na ito sa kanila.
"What you mean everything's fine ? Hindi ko gets." Sambit ni Ron.
"Okay na kami ni PJ. Nag-inom kami kagabi, nag-usap at pinatawad ko na sya. Okay na?" Sabi ko naman na ikinagulat nila.
"Seryoso?" Tanong nilang dalawa.
"Ayaw nyo ba?" Binara naman ito ni PJ. Agad itong binato ni Calvin ng unan kaya nabitawan nya ang phone nya sa sahig. "Gago! Yung iPhone ko!" Singhal nito.
"Anong gago? Kayo ang gago! Ang dadamot n'yo, hindi man lang kayo nag-aya!" Nakabusangot na sabi ni Calvin.
"Paano namin kayo aayain kung humihilik na kayo sa sobrang lalim ng tulog nyo?" Sumbat ko sa kanila.
"Kahit na!!" Sabay pang katuwiran nilang dalawa ni Ron.
Tumawa nalang ako at muling pinagpatuloy ang pagbabasa ko. Malaking tulong sa paggaan ng pakiramdam ko ang pagpapatawad ko kina Nicole at PJ. Hindi pa man kami nagkakaayos ni Nicole at hindi ko alam kung mangyayari pa ba iyon, at least I already settled the problems between us. Nakakangiti na muli ako at nakakatawa. Nagpapasalamat narin ako dahil napasama kami sa ganitong klase ng okasyon. Kung hindi dahil dito, baka nabubuhay parin ako sa galit at sama ng loob ngayon.
"Ang mabuti pa, bumaba nalang muna tayo para kumain." Suhestiyon ni PJ. Sumang-ayon kaming tatlo na kasama nya. Alam kasi naman na sa lahat ng tao dito, kaming apat nalang ang hindi kumakain ng agahan. Hindi kasi namin masisikmura na sumabay sa ibang estudyante na alam naming tititigan lang kami buong agahan.
Isa-isa kaming lumabas ng kwarto. Ngunit sa aming paglabas, nagulat kami nang makita namin ang ilang estudyante sa corridor na nagsisiiyakan. Animo'y nagkakapatawaran sa kanilang mga kasalanan sa isa't isa. Hindi namin inaasahan na ganito ang madadatnan namin sa paglabas namin ng kwarto kaya napili nalang naming dumaan sa kabilang hagdan. Mukhang nakakabastos naman kung dadaanan lang namin sila do'n.
Sa kabilang hagdan, kung saan may isa pang daan pababa sa unang palapag ng mansyon, natiyak namin na walang ibang taong dumadaan maliban samin. May kadiliman nga lang ito dahil sa hindi ito ginagamit ng iba. Kalmado kaming bumaba dito hanggang sa nakarating kami sa may confession room. Ang likod nito ang una naming nakita kung saan naroroon sina Jiro at Kean sa loob kung saan pumwe-pwesto ang pari. Wala ang pari do'n kaya nagtataka kami kung bakit nandon sila.
Mabilis na lumapit dito si Calvin para bigyan sila ng matinding batok.
"Mga gago! Anong ginagawa n'yo dyan?" Tanong ni Calvin sa kanilang dalawa.
"Ssssshhh!" Imbis na sagutin at pinatahimik ito ni Jiro.
"Ano nanamang pakana nyo yan?" Natatawa kong tanong habang nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng aking pang-ibaba.
"Nandito si Tammy." Bulong ni Kean.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Nangungumpisal si Tammy pero bakit nandoon sila? Hihigitin ko na sana sila palabas pero bigla namang nagsalita si Tammy.