Cold
Tammy's POV
"I'm really sorry, Tammy." Pamula nang dumating si Nicole, walang tigil na sa kakahingi ng pasensya si Ron dahil sa nabanggit nya dito ang tungkol sa bakasyon namin.
"It's okay, Ron. Wala namang kaso sakin." Nakangiti kong sabi sa kanya.
Walang pagdadalawang isip na sumama si Nicole nang marinig nya ang tungkol dito. Hindi sa ayaw kong sumama sya. Wala namang problema sakin. Maayos na din naman sila ni Cloud. Nagkaroon na sila ng closure na nararapat sa kanila. Hindi ko lang alam kung bakit biglang bumigat ang pakiramdam ko na tila ba mahirap para sakin ang huminga.
"Wala na ba tayong hihintayin?" Binasag ni Kean ang sandaling katahimikan dahil sa di namin inaasahang pangyayari. "Kung wala na, ang mabuti pa umalis na tayo." Aniya na sinang-ayunan naming lahat.
"We have our own cars, kanya-kanyang punta nalang tayo. I'll lead the way." Saad ni PJ ukol sa magiging biyahe namin.
"Sama ako sa'yo." Ani Ron dahil wala siyang sasakyang dala.
Naramdaman ko ang paglapat ng kamay ni Cloud sa balikat ko para ayain akong pumasok na sa loob ng sasakyan nya. Tumango ako at sabay kaming pumunta paroon. Kasunod naming naglakad si Calvin na hindi din dala ang kanyang kotse. Malamang sa amin na ito sasabay.
"Hey, Cloud!" Napahinto kami sa pagbubukas ng pinto nang bigla syang tawagin ni Nicole. Lumingon hindi lang si Cloud kundi pati kami ni Calvin. "Pwedeng makisakay? Wala akong sasakyan, e." Sambit nya. Nakita kong tumango si Cloud at hindi ko alam kung bakit parang may tumusok sa puso ko dahil sa desisyon nya.
Inakala ko bang hindi papayag si Cloud? Bakit parang mas bumigat ang pakiramdam ko? Siguro kailangan ko lang masanay dahil natural na mabait si Cloud. At bakit naman nya tatanggihan si Nicole? Eh makikisakay lang naman? May pinagsamahan parin naman sila. Haist! I'm being paranoid right now.
Sa pag-alis ng lahat, nahuling umabante ang sasakyan namin. Sunod-sunod lamang kami habang sinusundan ang sasakyan ni PJ. Naging matahimik ang biyahe namin. Pakiramdam ko may kakaiba sa ihip ng hangin. Walang sinuman ang nagbabalak na magsalita. Palagay ko'y magpapanis kami ng laway hanggang sa makarating kami ng probinsya.
Sa sobrang tahimik naming lahat, nagulat nalang kami nang biglang may cellphone na tumunog. Not mine, not Nicole's, not Calvin's, but Cloud's phone. Agad nitong sinagot ang tawag na wala akong ideya kung kanino galing.
"Hello, tita." Bungad nya.
Tita? Si Mama ba yun?
"Yes, she's with me. Pupunta po kami sa probinsya ng isa sa mga kaibigan namin." Sa sinabi nya, nakumpirma kong si mama nga iyon. "Hindi po sya nagpaalam?" Napalingon ako sa gawi ni Cloud na ngayon ay nakatingin na din pala sakin habang nakataas ang kilay. Ngunit agad din nyang binawi ang tingin nya at ibinalik sa unahan dahil nagmamaneho ito. "Sorry, Tita. Siguro naexcite lang sya nang sobra kaya hindi na nakapagpaalam. But don't worry, I'll take care of her."
Mabilis akong pinamulahan ng mukha dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig nya. Kinikilig nanaman ako sa napakababaw na dahilan.
"Sige po, Tita. Bye." Paalam nito bago ibinaba ang phone.
"Anong sabi ni Mama?" Agad kong tanong matapos nilang mag-usap.
"Ibili daw kita ng salbabida dahil hindi ka marunong maglangoy." Natatawa nitong sabi.
Tumilos ang nguso ko dahil sa nakakahiyang katotohanan na iyon. "Yari talaga sakin si Mama pag-uwi ko."
"Bakit ka umaalis ng bahay nyo nang hindi ka nagsasabi kung saan ka pupunta? Akala tuloy ni Tita itatanan na kita." Sambit pa nya kaya lalong namula ang mukha ko.